Board member ng Maguindanao, nagbuwis ng buhay para kay Mangudadatu

MAKARAAN ANG ILANG oras na gamutan, pumanaw na rin si Maguindanao Board Member Datu Rusman Sinsuat, Sr. nang pasabugan ang kanilang sasakyan noong Lunes sa Tacurong-Marbel Highway sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Tacurong Provincial Police Director Sr. Supt. Danilo Peralta, nasawi si Sinsuat habang ginagamot sa Tamundong Hospital Lunes ng gabi.

Si Sinsuat ay kabilang sa convoy ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu na patungo sana sa Tacurong City para ipagdiwang ang kanyang kaarawan at pagbasura ng kasong pagpatay ng Department of Justice.

Alas-3:30 ng hapon kamakalawa nang biglang sumabog ang isang lumang  Kia Pride na may plate number na MDJ 274 na nakaparke sa daan nang madaanan ng sinasakyan ni Sinsuat na isang Toyota Fortuner.

Masuwerte namang hindi nasaktan si Mangudadatu na lulan ng kanyang bullet proof na sasakyan.

Bukod kay Sinsuat, dead on the spot si Raffy Parenas habang sugatan ang anak ng board member na si Datu Rusman Jr. na naputulan pa ng paa, gayundin sina Mabang Antonio Algaba, Bebot Barabang, Richard Sonza at Robert Formacion. Una nang sinabi ni Mangudadatu na siya ang puntirya ng pananambang. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.