Blog ni Mocha Uson – For Adults Only! *new*

Sa pag-alis ng sex guru na si Asia Agcaoili sa bansa noong nakaraang taon para ipagpatuloy ang kanyang pagdadalang-tao sa ibang bansa, si Mocha Uson ng Mocha Girls ang sumubok na pumalit sa kanyang trono.  Nag-umpisa ito sa kanyang sariling sexy photoblog sa Maxim, pero ilang buwan lang ang itinagal nito dahil tuluyan na ngang nagsara ang nasabing men’s magazine.

Dahil dito, nagdesisyon si Mocha na magbukas ng kanyang sariling blog sa internet. Ito ay mahahanap sa http://www.mochauson.com. Kamakailan lang kumalat ang nasabing blog dahil dito pinost ng sexy singer ang kanyang intimate kissing photos kasama ang napaka-kontrobersiyal na si Krista Ranillo.

Binasa ng Pinoy Fans Club team ang nasabing sexy blog ni Mocha. Sa totoo lang, hindi hiyang sa bata ang nasabing blog. Puno ito ng mga sexy pictures at videos ng singer. Dito rin niya inilalabas ang kanyang mga saloobin tungkol sa usapang sex at kung anu-ano pang magpapaligaya sa kanya.

Tingnan mo nga naman. Parang kailan lang nang lumabas ang mga larawan ng grupo rito sa Pinoy Parazzi na naging hudyat ng kanilang pagsikat. Ngayon ay nagagamit na nila ito sa kanilang mga gigs at tumatak na rin sa isipan ng mamamayang Pilipino ang buong tapang nilang pagladlad sa publiko lalo na ng morenang lead singer na si Mocha Girls na hindi lang basta singer, sexy blogger pa!

By Pinoy Fans Club

Comments? Questions? Suggestions? E-mail us at pinoyfansclub@gmail.com or visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

7 thoughts on “Blog ni Mocha Uson – For Adults Only! *new*

  1. tangnatong mga bwiset na to ayaw pang tumigil sa katarantaduhan! mga unggoy!! mag tayo na lang kayo ng sari-sari store at pati mga bata nadadamay nyo sa mga kababuyan nyo!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.