Blind Item:SA ISANG UMPUKAN at usap-usapan, napagtuunan ang kumbaga eh, pagde-decluttering ng isang istasyon sa ilang mga tauhan nila. Kung saan marami nga raw ang mawawalis at mapapaalis.

SA ISANG UMPUKAN at usap-usapan, napagtuunan ang kumbaga eh, pagde-decluttering ng isang istasyon sa ilang mga tauhan nila. Kung saan marami nga raw ang mawawalis at mapapaalis.

Ayon pa sa usapang napa-kinggan namin, ilan nga sa mga ito eh, pinagre-resign na diumano. Pero nakikiusap na lang na tatapusin na lang ang kanilang mga kontrata.

Kaya raw naman pala, nananahimik na ngayon ang noo’y mga nagdi-diyos-diyosan sa kanilang mga posisyon.

Ang sabi pa sa umpukan, tatawa-tawa na lang at napakanta-kanta na nga sa pagkawala ng nasabing mga tauhan ang isang TV host,  na  minsan  ngang bi-niktima ng ilan sa mga nasabing tauhan nang ang kanyang programa eh, hindi inaprubahan para umalagwa nang tuluyan sa ere.

(Pilar Mateo)

Previous articleKUWENTO ITO NG isang TV personality noong nasa bakuran pa siya ng isang istasyon. Saksi raw kasi siya sa “baptismo” ng isang kontrobersiyal na aktor who, at 13, got exposed to booze.
Next articleKINSA SIYA? ISANG young actor noon na young pa rin naman hanggang ngayon, pero hindi na masyadong aktibo sa showbiz ang diumano’y nagpalagay ng bolitas sa kanyang nota.

No posts to display