Blind Item:PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong kilalang personalidad sa mundo ng fashion world na sinasabing mapagpanggap.

PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong kilalang personalidad sa mundo ng fashion world na sinasabing mapagpanggap. Bhuket?! Ang chikka kasi ng aking parazzi girl nang magpunta siya sa isang beauty salon nitong kilalang personalidad, nawindang daw talaga siya sa sigaw ng isang hairstylist doon.

Kasi itong si Hairstylist # 1 ay baguhan pa lamang kaya nang maubusan ng pangkulay ng buhok ay isinigaw niya kay Hairsytlist # 2 na wala na silang pangkulay ng buhok na local lamang ang tatak.

Ayun at agad-agad sinabihan ni # 2 si # 1 na huwag maingay lalo na at naririnig nga ng kanilang mga customer dahil ang press release pala ng may-ari ng salon ay lahat ng gamot na ginagamit nila ay imported. Kaya naman naniwala ang mga tao, dahil galing din mismo talaga ang kilalang personalidad sa ibang bansa kaya kahit isalin lamang nila ang local na gamot sa buhok sa imported na boteng walang laman ay kering-keri na ng salon dahil nga… tiwala na ang mga tao dahil kilala na siya sa mundo ng pagpapaganda.

Ano?! Gusto n’yo pa ba ng clue?! ‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo mahulaan ang napakadaling pitik-bulag na ito, ha?! Ha-ha-ha!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz, weekdays, 11:30-12 nn, upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

by (Tita Swarding)

loading...

13 thoughts on “Blind Item:PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong kilalang personalidad sa mundo ng fashion world na sinasabing mapagpanggap.

  1. im not familiar with stylist.. but i guess the writer was trying to say its from phuket, thailand… “Mahulaan n’yo kaya itong kilalang personalidad sa mundo ng fashion world na sinasabing mapagpanggap. BHUKET?! Ang chikka kasi ng aking parazzi girl nang magpunta siya sa isang beauty salon nitong kilalang personalidad, nawindang daw talaga siya sa sigaw ng isang hairstylist doon.”

  2. Si David Charlton ba etow? Sha lang naman ang nagpapanggap na imported lahat ng gamit nyang gamot samantalang ang gamit nila ay galing lang sa Hortaleza! Reliable source: staff ng David’s Salon sa tandang sora: Marlyn Dequiros. Go na mga baklushi at tanungin ang mahaderang bilat na nagchuchu sa press.

Leave a Reply

Your email address will not be published.