SA ISANG BAYAN sa Rizal ginagawa ang taping ng isang teleserye. Sumasabay na rin ang seryeng ito sa paseksihan.

SA ISANG BAYAN sa Rizal ginagawa ang taping ng isang teleserye. Sumasabay na rin ang seryeng ito sa paseksihan.

Dahil siyempre, malayo ang location, ang daming nanonood ng shooting. Isang kaibigang taga-roon ang nagtsika sa amin na pinagagalitan ni directed by ang kanyang bida.

Baket?

“Eh, kasi nga, ang mga eksena eh, paseksihan, ‘di ba? Ang nakakalokah, naka-two-piece na ‘yung ibang kasama, naka-short shorts pa ‘yung mga lalake, samantalang ‘yung bida, naka-kamison.

“Eh, narinig ko lang ang director, ang sabi, ‘Juice ko, anak, puro na lang kamison ang isinusuot mo? Kelan ka ba magpapapayat para makapag-two-piece ka na?

“Nagtataka na ang mga televiewers kumbakit ikaw lang ang naka-kamison, eh ikaw itong bida?”

Sey ng aming source, “Eh, truelalash naman, ate. Ang lola mo, mataba ngayon. In love ba talaga siya kay (name ng isang young actor) at ‘yun ang nagpapataba sa kanya?”

That we don’t know. Mapanood nga nang may mai-comment nga kami kung true ang claim ni Direk.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSINO ITONG KONTRABIDA aktres mula sa isang big TV network ang sinasabing maldita sa kanyang driver?
Next articleShow Twitz: MARIAN RIVERA, RINDING-RINDI NA SA SELOSA ISSUE!

No posts to display