Blind Item: Talented young actress, dismayado sa kinahinatnan ng project

HINDI na napigilan ng kampo ng isang talented actress ang pagkadismaya nila sa sinapit ng isang proyekto na ginastusan at pinaglaanan ng panahon.

May hatak naman sa masa ang female lead ng proyekto dahil top rating naman ang mga palabas nito at hindi rin naman ito nagpapatalo kung performance rin lang ang pag-uusapan. Ang kakulangan sa promotion at halatang minadaling pagpapalabas ang itinuturong rason kung bakit hindi naging successful ang project na may out of town pang involved.

Sa showbiz talaga ngayon, hindi basehan kung top rater ba sa telebisyon ang bida. Importante na talaga ngayon kung bago ba ang istorya, may hatak ba ang trailer, may gist ba ang pagmamarket nito lalo na sa internet at kung may chemistry ang mga bida.

Hindi porket loveteam kayo sa TV ay sure na kakagatin ang tambalan ninyo sa big screen. Lalo pa ngayon na nasa panahon na tayo na karamihan ng kumikitang pelikula ay mga first-time onscreen tandems.

May mga nagsasabi rin na baka nahawa ang female lead sa not-so-inviting aura ng kanyang leading man na nasangkot isa iba’t ibang isyu online.

Nakakalungkot lang dahil talented naman talaga si female lead, pero ito na ang kanyang pangalawang flop project in a year.

Related Post

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Talented young actress, dismayado sa kinahinatnan ng project

  1. Bigyan ng makabuluhang project c Barbie that would test her acting skills. Also, kuha ng actor sa ibang network . Sayang ang talent.

  2. Kailangan pa bang imemorize ‘yan? Barbie Imperial & Derrick Monasterio & their flop movie ‘Almost A Love Story.’ Yung isang flop movie ni Barbie na ‘This Time I’ll Be Sweeter’ with Ken Chan ay nuong November 2017 ipinalabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.