Blind Item: Sikat na young actress, iniiwasan ng mga direktor?

HOW TRUE kaya ang tsika na pinoproblema raw ngayon ng isang management team ang kanilang prime talent na sikat na aktres?

Kung noon daw ay nagkakandarapa ang mga direktor, artista at producers na makatrabaho siya, ngayon ay tila umiiwas na sila. 

Ang dahilan? Ang pagiging unreliable nito sa kanyang commitments at mas priority nito ang pagliliwaliw kaya nabibitin ang mga production.

Ang proyekto na dapat ay gagawin nito sa isang award-winning direktor ay kanselado na. Para kasi sa direktor, mas importante ang professionalism at hindi ito nasisilaw sa ningning ng pangalan ng artista. Pinipilit daw ng management ng aktres na kumbinsihin ulit ang direktor, pero nagmamatigas daw ito.

Ang lalaking nalilink naman sa young actress ay tuloy pa rin ang pagpasok ng biyaya. Marunong daw kasi itong makisama at kahit na kung minsan ay late ay marunong itong mag-apologize. Nadedeliver din nito ang performance na expected sa kanya.

Ang latest ay kanselado ang dapat na TV show na gagawin nito dahil natatakot ang production sa magiging aberya kapag natuloy ito.

Naku, mukhang kailangan talaga ng aktres ng guidance lalo pa’t dumarami na ang negative feedback tungkol sa kanyang work ethic. 

Related Post

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Sikat na young actress, iniiwasan ng mga direktor?

  1. Ah, si Nadine Lustre pala Yun. Yung nakikipag live in sa boyfriend nya. So, pangit na ugali, pangit pa moral. Pangit din pag Wala make up. Hmmp!

  2. Ay talaga si Nadine L. po yun? Naku may sablay pala siya. Gotta chixmax this to my friends hehehhehe charing

  3. Obviously si Nadine ang tinutukoy. Mas maraming mas magaganda at mas talented kesa kay Nadine. So hindi sya kawalan sa showbiz industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.