Blind Item: Sikat na singer-aktor, naglakad ng hubo’t hubad sa airport

SINETCH ITETCH NA sikat na singer-actor na gumawa ng matinding eksena sa isang airport sa abroad?

May susunduin ang singer sa airport. Sinamahan siya ng kanyang mga kaibigan at ang saya-saya nila. Hanggang sa may nag-dare sa singer na hubad na lumakad sa airport. Ang pusta: $200.

Game naman ang singer. Naka-trench coat siya noon at isa-isa niyang hinubad ang kanyang damit at pantaloon, pero iniwan niya ang kanyang trench coat sa kanyang katawan. At nang lumalakad na sila, biglang binuksan daw ng singer ang suot niyang trench coat. Hayun, naloka ang mga tao dahil nude nga namang naglakad ang binata.

Hinabol, siyempre, ng security officers ng airport ang actor, pero mukhang hindi siya naabutan. Isa iyon sa craziest things na nagawa ng singer na sikat na sikat ngayon at palaging nakikita sa TV. Girlfriend niya ang isa ring singer na ex-girlfriend din ng isa pang binatang mang-aawit.

by Alex Brosas

Previous articlePremiere Shots: Bente, bumenta!
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #119

No posts to display