Blind Item: Sikat na aktor, nirereklamo ng mga katrabaho dahil sa pagiging unprofessional?

KAHIT NA GAANO pa kasikat ang isang artista, madali itong malalaos once na mag-complain ang mga co-workers nito. Na-witness na natin kung paano biglang nawalan ang karir ng ibang promising actors dahil sa pagiging late or worst, dahil sa pagkalulong sa bisyo.

Isa sa mga artistang dagdag sa listahan na ito ay ang sikat na young actor. Kahit na anong ipagawa mo sa kanya ay kaya niyang gawin except ang pagiging disiplinado na siputin ang mga commitments niya.

Marami nang incidents na pinagtatakpan siya ng kasamahan kapag hindi nakakasipot sa mga mall shows in the past. Nagkataon na this time ay binigyan ito ng project na required lahat ng artista na sumipot on time at dapat ay handing sumalang.

Sa isa sa mga shows ng programa ay halatang missing in action ang aktor kahit pa alam ng lahat na dapat ay may partisipasyon ito. Gumawa na lang ng alibi ang mga kasama nito, pero how true na nauubos na ang pasensya ng ilang co-stars niya at kahit ang fans mismo ay nagwi-wish na sana’y i-pull out na lang siya sa programa? Ang tsika, hindi naman sa taping o trip galing ang aktor. Nakainom daw ito at may hangover kaya hindi na sinipot ang kanyang scheduled commitment.

Time to wake up! Mukhang kampante na si young actor dahil sa status ng kanyang kasikatan. Dapat esep-esep na dahil baka this time ay magsawa na ang mga taong sumusuporta sa’yo…

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Sikat na aktor, nirereklamo ng mga katrabaho dahil sa pagiging unprofessional?

Leave a Reply

Your email address will not be published.