Blind Item: Sexy actress, sinasabotahe ni popular actress?

TOTOO KAYA ang balitang nilayasan diumano ng isang aktres ang kanyang management team na kasama niya sa kanyang showbiz journey for almost half a decade?

Lumayas nga ba siya o siya ang pinalayas?

Ang tsika, may mga naka-line up na raw sana na bagong TV show na continuation ng isang patok na series kung saan isa siya sa bida. Ang kaso, gumagawa raw ng paraan ang isang popular actress na isa sa mga most-prized talents ng management team, na hindi matuloy ang project na ito. Ang dahilan? Jealousy.

Ang bulong sa amin ay nagselos diumano si popular actress dahil maiiinit ang mga eksena ni sexy actress sa dyowa niya. Kahit daw alam na for professional purposes lang ang laplapan ni sexy actress sa dyowa niya ay hindi niya mapigilang magselos. Umabot pa nga raw sa punto na sinungit-sungitan siya in public knowing na once upon a time ay magkapatid ang turingan nila.

Wala pang kumpirmasyon kung talagang totally out na si sexy actress sa management team, pero hindi ba’t unfair kung sinabotahe siya dahil lang ginagawa niya ang kanyang trabaho?

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Sexy actress, sinasabotahe ni popular actress?

Leave a Reply

Your email address will not be published.