Blind Item: Sexy actress, binugaw ng reporter

BULAG ISTORYA (blind item, gagah!):  Isang padrino ng isang kilalang personalidad sa showbiz ang nakipag-appointment sa isang kasamahan sa hanapbuhay.  Ang pakay nito:  birahin daw ng huli ang isang sexy actress.

Kagyat na pumalag ang reporter. Para na rin niyang hinudas ang kanyang kumare, na ang anak ay bespren ng aktres na nais nitong ipabira.  Pero naglatag ng ibang offer ang mamamahayag, walang sinuman sa sikat na personalidad o sa aktres ang “recipient” ng kanyang mga birada, kundi isang ahensiya ng pamahalaan.

Sumang-ayon naman ang mensahera, na anito’y hindi raw alam ng kanyang boss na nakipagtagpo siya sa reporter.  Nang magkasundo na raw sa plano, pasimple raw na inabutan ng sobre ng padrino ang reporter.  Dahil hindi naman daw hiningi ng reporter ang “biyayang ‘yon” ay tinanggap niya ito.

Time to say goodbye na to each other, aabangan na lang daw ng mensahera ang napagkasunduan nilang istratehiya. Patago niyang pinipintahan kung magkano ang laman ng sobre.  Kung may camera lang sa paligid, mula sa bag ng reporter ay magandang i-tilt up ito upang kunan ang tenga-sa-tengang ngiti nito…na lalampas pa yata sa frame!

Sapat na ang halagang ‘yon para hindi lang sa bahay ng reporter sa Quezon City siya magpahatid…abot hanggang Quezon Province, may sampung balik pa!

by Ronnie Carasco

loading...

6 thoughts on “Blind Item: Sexy actress, binugaw ng reporter

  1. si Vicky Belo ung nagbayad. Malamang si Lolit Solis ung reporter na garapal sa pera. kaya pala ndi tinitira si katrina at imbes e gobyerno na lang…

  2. sa inyo na rin talga lumalabas na bayaran talga ang mga reporter..ginagamit nila ang pagsusulat para manipa at manapak ng tao sa tamang halaga…

    saka di ba si CRISTY FERMIN ang taga quezon province…
    bayaran talga yung demonya na yun..sabagay alam naman yan ng buong pilipinas noon pa, parang confirmation na lang itong sinabi nito..

Leave a Reply

Your email address will not be published.