Blind Item: Sexy actress, ayaw nang magteleserye?

KUNG ANG ILAN sa mga artista natin ay halos makipagbigwasan para lang makakuha ng regular TV primetime or afternoon teleserye, ibahin ninyo si sexy actress.

May mga nagsasabi na promising talaga ang dalagang aktres nang papirmahin ito ng isang network. Early on ay malawak na ang fanbase nito dahil sa isang niche market na mostly ay kinabibilangan ng kalalakihan. Malaki hindi lang ang hinaharap (as in klebang) ng aktres kundi pati na rin ang future niya sa showbiz.

Tulad ng inaasahan sa mga pumapasok sa showbiz via sexy route, tinatawag na starlet ang aktres at nalilinya sa kabit o malandi roles. May project din naman siya na pambata, pero bentahin pa rin nito ang kanyang nmala-dyosang hubog.

Gaano kaya katotoo ang tsikang mas bet na lang daw ng aktres ang isang weekly show at tumanggi na raw itong magteleserye? Satisfied na raw ang dalaga sa kung anuman ang meron siya at tila napagod ito sa ngaragang schedule ng pagkakaroon ng daily show.

Naku, baka naman magsisi ang sexy actress lalo na’t tila hindi naman nasusustain ang init ng kasikatan niya two years ago. May kinalaman kaya ang love life dito? Well, kung solb naman na siya sa patikim-tikim lang ng exposure ay ibigay na natin sa kanya ‘yan, noh!

Related Post

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Sexy actress, ayaw nang magteleserye?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.