Blind item: Sexy actor, suspected of killing his dentist?

BAKIT KAYA AYAW mamatay-matay ang isyu ng pagkakasangkot ng isang hindi na aktibong sexy actor tungkol sa pagkakapaslang sa isang kilalang dentista sa isang bayan na hindi kalayuan sa Maynila?

Kalat na kalat na ang kuwento. Marami kaming tinatanggap na mensahe sa text na nagsasabing pinagbibintangan sa krimen ang nasabing sexy actor. Pero ang tanong, ganu’ng isinasangkot pala ang sexy actor sa kaganapan, bakit hanggang ngayon nama’y malayang-malaya pa siya?

Nu’ng minsan, tinawagan kami ng isang dating “matalik” na kaibigan ng sexy actor, nandu’n lang daw siya sa plaza at naglalaro ng basketball.
‘Yun ba ang pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkapaslang sa doktor? Ganu’n ba ang suspect, parang wala namang kaalam-alam tungkol sa kontobersiyang nagsasangkot sa kanya?

Kung paniniwalaan ang mga kuwento-kuwento, matagal nang magkaibigan ang sexy actor at ang dentista. Kilalang-kilala na raw siya ng mga kasama sa bahay ng doktor, dahil madalas nga siyang magbabad du’n.

Kung anuman ang kanilang transaksiyon, sila lang ang nakaaalam. Pero sa nasabing bayan, pinag-uusapan nang pabulong na malapit na malapit sa doktor ang sexy actor.

Napakalapit sa kontrobersiya ng sexy actor na ito. Ilang taon na ang nakararaan, pumiyok ang kanyang gay benefactor, nakita kasi nito na laging may nakaparadang puting van sa tapat ng bahay ng sexy actor.
Natural, selos ang ugat nu’n, ito nga naman ang gumagastos sa mga luho ng sexy actor, pero bakit meron pa palang ibang bading na pinapapunta sa kanilang bahay ang lalaki?

Nagalit ito, nagsalita sa mga kaibigang manunulat, pero nagdenay naman ang sexy actor. Kaibigan lang daw niya ang bading na palaging nagpupunta sa kanilang bahay, wala raw silang relasyon, tinalo lang daw ng kanyang emosyon ang gay businessman.

Pagkatapos ng insidenteng ‘yun, marami pang sumunod na kuwento tungkol sa sexy actor. May balikbayang bading pang naugnay sa kanya, madalas siyang makitang kasama nito habang nagsi-shopping. Talagang lapitin ng bading ang sexy actor na ito.

Pumapalakpak sa kanya ang mga bading, meron silang mga kamay. Ano nga kayang agimat meron ang sexy actor na ito at ganu’n na lang karaming bading ang nahuhumaling as kanya?

SABI NG MGA kaibigan namin, kung si Gretchen Barretto raw ay kakatawan ng mga artistang sobra-sobra sa timbang, mauunawaan nila kung mag-diet man o magpapayat nang husto ang singer-actress.

Ang kanilang komento, “Pero napakapayat na niya, anong excess fats pa ba ang kailangan niyang ibagsak? Grabe na siya sa kapayatan, nagmumukha na siyang maysakit, hindi na pala magandang tingnan kapag sobra-sobra ang kapayatan ng tao.”

Hindi naman talaga tumaba si Gretchen, sexy na talaga siya kahit noon pa. Kung bakit kasi nang nauso ang sobrang kapayatan, parang isang malaking krimen na ang lumusog. Kaya magkalaman lang nang konti ang kababaihan ngayon, parang katapusan na ng mundo para sa kanila ang ganu’n.

Mas gusto namin si Gretchen kapag may nakikita kaming laman sa kanyang pisngi at hindi humpak na humpak ‘yun. Kapag medyo malusog ang magandang aktres, hindi masyadong lumulutang ang kanyang mga panga na nagmumura sa talim.

Pero payat man o mataba si Gretchen, walang ipinagbabago ang kanyang hitsura. Maganda pa rin siya at sopistikada. Kayang-kaya niyang dalhin ang kanyang sarili dahil natural ang kanyang ganda.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

9 thoughts on “Blind item: Sexy actor, suspected of killing his dentist?

  1. NO WONDER NALUGI ANG MARIPOSA PUBLICATIONS KASI SOBRANG WALANG KABUHAY BUHAY MAGSULAT ANG LAOS NANG SI CRISTY FERMIN! INAANTOK AKO SA MGA ARTICLE NIYA DI MO MALAMAN KUNG TUMUTULA BA SIYA OH ANO. ANG CHEAP! HOY CRISTY MAGTINDA KA NA LANG NG TINAPA MAS BAGAY SA IYO.

  2. Hi lucifermen, it.s nice of hearing of you. Sayang di kana napapanood sa TV. Ok nga iyan di kana maka-panira ng tao. At least d2 sa dyaryo kahit manira ka ng tao nobody beleives coz you are such a loser…

  3. mukhang problematic and anorexic si gretchen ,anong naging natural sa beauty nya eh obvious naman na pinabago nya lips nya ala angelina jolie,nagi tuloy silang identical twins ni pops,pareho silang nakagat ng bubuyog sa lips,sorry po,opinyon ko lang po.PEACE.

  4. nku gmik lang ito may album na lalabas ng pipilit maging singer cya naman bumibili ng cd nya yak hahahhahahhha

  5. matagal ng patay ang issue na yan cristy, ikaw lang ang nagpupumilit na buhayin dahil wala ka ng matinong masulat.

    so “feeling close kasi kami ngayon ni gretchen” ang bago mong teleserye sa buhay.. ah.. baka nga naman sakaling maambunan ng kahit konting biyaya galing sa pitaka.

  6. ay, c jordan herrera itoh! am sure malaki rin ang peysung ni jojit de niro para iB.I. siya ni fermin…

  7. matagal na ring alam ng mga otash na si JORDAN HERRERA ang tinutukoy ni cristy dito. bakit ibiB.I. pa? asking lang po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.