Blind Item: Promising actress, may video scandal?!

IT’S 2018 NA pero nabubulabog pa rin ang ibang netizens sa tuwing may lumalabas na photo o video scandal – mapa-lalaki man o babae.

Ang pinakabagong artistang pinagpipiyestahan ngayon sa internet ay isa sa promising talents ng kanyang home network. Ang aktres na ito ay hindi lang basta maganda – she can act. Kahit karamihan sa mga roles na ginagampanan niya sa telebisyon ay maldita ang kanyang peg, marami naman ang nagpapatunay na sweet and mabait daw ito sa personal.

Kaya marami ang nabigla nang mag-trending ang pangalan ng aktres sa social media dahil hindi nila akalain na madidikit ang pangalan ng dalaga sa ganitong klaseng bagay.

Hindi pa namin napapanood ang mismong video pero kung pagbabasehan ang screen grabs, hindi naman namin masabi na siya talaga ang nasa kumakalat na video. May nagsasabi na isang online model na kahawig ng promising actress ang nasa video.

Kung meron man mabuting naidulot ang pagkakadawit ng pangalan ng dalaga, ito ay ang naalala siya muli ng mga tao. Matagal-tagal na rin siyang walang project! Gawa na agad ng project habang mainit-init pa ang apoy!

Related Post

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Promising actress, may video scandal?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.