Blind Item: Popular young actress, ayaw tulungan ang not-so-popular friend?

THESE DAYS, madalas natin makita sa social media na nagtutulungan ang mga artista sa pagpo-promote ng projects ng mga kaibigan nila. Ganun naman talaga dapat, ‘di ba?

Gaano kaya katotoo ang kuwento tungkol sa dalawang magkaibigan na halos sabay pumasok sa showbiz. Pareho silang struggling noon at paraket-raket lang. Isang araw, biglang sikat ang isa at hindi naman nakasabay ang pangalawa. Kapag may mga pelikula at projects si popular young actress, pinopost ito ni not-so-popular friend para makatulong sa promo.

Ngayon naman ay si not-so-popular friend naman ay may project na tipong ‘make or break’ ang leveling. Tinanong niya si popular young actress kung pwede bang i-post sa social media niya ang poster ng project. Um-oo daw noong una si ate girl, pero ilang linggo na ang nakakaraan at waley pa rin ang post. Buti pa ang partner ni popular young actress at nakapag-post na sa lahat ng accounts niya.

Hindi kaya ayaw lang ni popular young actress na masira ang timeline niya, o baka naman magpopost din ito kapag malapit na sa launch date ng project? O baka naman wala lang talagang paki ang una dahil hindi naman talaga solid ang kanilang friendship? Abangan natin ang timeline!

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Popular young actress, ayaw tulungan ang not-so-popular friend?

Leave a Reply

Your email address will not be published.