Blind Item: Petite actress, tinanggal sa movie dahil sa isa pang aktres?

TOTOO KAYA ang nakarating sa amin na chika na originally ay kasama sa line-up ng young cast ng isang kabogerang film ang petite actress at ang rumored boyfriend? Ang kaso, bigla raw naligwak ang dalaga dahil sa kagagawan ng isa pang aktres?

Ayon sa isang echoserang frog, ayaw raw kasi nung isa pang actress na makasama ang petite actress dahil nagkalamat ang kanilang friendship. Noong una raw ay okay lang naman ang samahan ng dalawa. Nagkaroon daw ng lamat ang relasyong pangkaibigan ng dalawa nang magkaroon ng ibang group of friends ang petite actress na puro sikat at malakas sa network.

Kaya ang ending, nakiusap daw ang kampo ng isa pang aktres na kung puwede iba na lang ang gumanap sa papel na dapat ay sa petite actress. Hindi raw nila keri magtrabaho lalo na’t fresh pa ang tampuhan at nadagdagan pa ng panggagatong ng iba pang nakapaligid sa kanila. Kalurkey!

Well, sana maging amazing ang outcome ng pelikulang ito. Mas wish namin na magkaayos ang dalawa dahil sayang din naman kung dahil lang sa barkadahan ay masisira ang relasyon. Wala na kayo sa Grade 1, noh!

Related Post

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Petite actress, tinanggal sa movie dahil sa isa pang aktres?

  1. That’s a lame excuse.I can say the other girl is insecure.
    I don’t think na ang isang second lead star e me say kung sino at ayaw nya makasama.Lalo this girl hasn’t proven anything yet.Wala pang award kahit ano.Prove something first girl bago maging demanding.
    I don’t really believe on this issue,though.
    But if true, sorry for you girl.Your attitude won’t keep you stay in the business you are in.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.