Blind Item: Multi-talented actress, hindi active sa promo ng movie dahil sa isa pang aktres?



NAPANSIN ng netizens ang pagiging ‘inactive’ ng isang multi-talented actress sa promo ng pelikula na kinabilangan niya. Nanibago ang madlang pipol dahil kadalasan ay todo-bigay ito sa tuwing may bago itong projects. Kumbaga, hindi siya pasaway at gagawin niya ang lahat para mas dumami ang manood ng movies niya. No wonder na lahat ng projects niya lately ay puro successful.

Masasabi na isa sa second lead ang aktres sa kanyang pelikula. Marami ang nagwonder dahil once upon a time ay nagkaroon din sila ng onscreen tambalan ng pinaka-lead sa project.

Gaano kaya katotoo na kaya raw hindi masyadong isinama ang aktres sa promo ay dahil sa request na rin ng isa pang aktres na hindi naman talaga mainly involved sa movie? Diumano, para raw makaiwas sa posibilidad na selosan o away dahil minsan itong na-link sa leading man ng movie. Hindi malinaw kung totoo ang confrontation issues na naganap many years ago, pero para makaiwas daw ay hindi na lang sila pinagsasama ng leading man sa interviews at presscons.


Related Post

loading...

One thought on “Blind Item: Multi-talented actress, hindi active sa promo ng movie dahil sa isa pang aktres?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.