Blind Item: Media personality, tinakot para hindi ibulgar ang namesung ng malditang aktres?

MARAMI ANG NAIRITA sa isang media personality na ang claim to fame ngayon ay ang pagba-blind item tungkol sa isang malditang aktres na naka-engkwentro niya sa isang event.

Dahil sa mga clues na ibinigay niya na isang ‘actress’ diumano ito, samu’t saring namesung ang naglipana. Ang tingin ng iba ay ito ang isang controversial actress na maraming kinasangkutang isyu the past weeks. Ang isa naman ay aktibo ngayon sa teleserye scene at ang huli ay busy sa kanyang bagong pelikula.

Inabswelto ni media personality ang tatlong dalaga dahil not-so-popular daw ang malditang actress na ito.

Dahil sa sinabi niyang not-so-popular ang maldita, pinagbintangan ng mga tao ang isang not-so-popular-pero-papunta-na-yata-doon-ang-karir. Dahil nababash na rin sa social media, umalma ang new victim at sinabi na hindi niya ka-share ng dressing room si media personality at sa katunayan nga ay hindi niya ever ito na-encounter.

Biglang hugas kamay na naman si media personality na hindi rin daw siya ang itinutukoy sa pa-blind item niya.

Really?

Teka… how true na sinabihan daw si media personality na huwag na huwag babanggitin ang namesung ng malditang aktres at ito raw ay utos mismo ng management? Kung kakanta raw ito ay tuluyan nang magbababu ang karir.

Naku, if that’s the case, sino kaya talaga sa apat? Geez!

loading...

5 thoughts on “Blind Item: Media personality, tinakot para hindi ibulgar ang namesung ng malditang aktres?

  1. “how true na sinabihan daw si media personality na huwag na huwag babanggitin ang namesung ng malditang aktres at ito raw ay utos mismo ng management? Kung kakanta raw ito ay tuluyan nang magbababu ang karir.”

    GMA at Marian Rivera.

Leave a Reply

Your email address will not be published.