Blind Item: Magka-loveteam, hiwalay na kahit never pang umamin!

NAPAPANOOD ng mga fans ang tambalan na nagpapakilig sa kanila. May mga signs and symptoms na noon pa man na “more than friends” ang dalawa dahil sa mga social media postings nila noon na kulang na lang ay i-announce na nila sa buong mundo na from reel to real ay tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan.

Narinig namin sa isang reliable source na kahit never pa direktang umamin ang dalawa ay break na pala sila. Marami raw ang nag-warn sa boylet na huwag na huwag aamin dahil mas may potensyal siya na maging big star compared sa girlaloo na kapares niya. 

Napatunayan na may katotohanan ang observation na ito dahil nang ipares ang boylet sa iba ay mas dumami pa ang faney na kinilig at tumulo ang laway sa kakisigan niya which left the girlaloo left out and a bit insecure.

Dahil sa kaganapang ito, mas naging possessive ang girlaloo at hindi ito nagustuhan ng boylet kaya sila’y nagkahiwalay na. 

Due to unforeseen circumstances at demand na rin ng ilan sa kanilang fans, reunited ang dalawa pero pansin ng malalapit na tao na hindi na sila kasing clingy o sweet like they used to.

Kasi nga, hindi pa man umaamin ay waley na ang dalawa! 

Ang tanong: May magaganap kayang balikan sa pagbabalik-tambalan nila? 

Related Post

loading...

6 thoughts on “Blind Item: Magka-loveteam, hiwalay na kahit never pang umamin!

  1. gabru ang tinutukoy pero benlie ang ginamit na blurred photo. gabru ang balik tambalan eh. ang benlie wala naman project together kaya hindi sila yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.