Blind Item: Magka-loveteam, cancelled na ang launching movie dahil sa tampuhan?

NAKAKALOKA naman ang balita na cancelled na raw ang supposedly launching movie ng isang promising loveteam dahil lang sa tampuhan.

Naging makatotohanan na raw kasi ang relasyon ng dalawa kahit walang diretsong pag-amin ang mga ito sa public. Lately raw ay naging madalas ang mga away at tampuhan ng dalawa na umabot sa puntong nag-break na sila.

Late last year pa lang ay usap-usapan na ang proyektong inialok at tinanggap nila na maglulunsad dapat sa kanila na maging one of the most bankable tandems sa movie world. Hindi yata nila kaya maging professional enough dahil hindi nila maatim na makaeksena ang isa’t isa. Kahit sa social media nga raw ay may galawang ‘ayoko-na-sayo-po’ na nagaganap.

Ganun?! Sayang naman dahil napakalaking break nito for them. Meron din naman ibang loveteams na kahit nagkakalabuan na ay kinakaya nila na maging professional at gawin ang kanilang trabaho. Kawawa naman ang producers lalo pa’t may mga eksena sa ilang nakunan. 

Oh, well.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.