Blind Item: Magdyowang showy sa social media, hiwalay na

NAKAKAPANGHINAYANG naman ang sinapit ng relasyon ng magdyowang artista na laging present sa listahan ng mga ‘couple goals’ sa showbiz. Naghiwalay na kasi sila nang tuluyan na ikinagulat ng mga followers nila.

Bago pa man lumipat ng istasyon ang female actress ay suportado na ito ng boyfriend. Sa katunayan, malaki ang naitulong ng male actor sa pagdedesisyon ng dalaga sa next career move nito. Mula sa paglipat ng management to choosing a better network over being loyal sa kanyang original home network to taking risks sa pagpasok sa negosyo. Malaki ang naging impluwensiya ng lalaki sa career growth ng actress.

Hindi pa malinaw kung ano ang rason sa nakakapanghinayang na paghihiwalay na ito, pero napansin ng fans na hindi na nagpopost ng sweet photos ang dalawa, na kung allergic ka sa sweet posts ay mauumay ka dahil todo ang kanilang pagpopost ng couple goals photos. Napansin na rin na tila dinelete na ng female actress ang pictures nila ng actor sa kanyang feed at nag-unfollow na rin sila sa isa’t isa.

Totoo kaya na ang constant need of validation diumano nilang dalawa mula sa isa’t isa ang rason ng kanilang paghihiwalay? Too much love will kill the relationship talaga.

Related Post

loading...

One thought on “Blind Item: Magdyowang showy sa social media, hiwalay na

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.