Blind Item: Magaling na aktres, nauubusan ng projects dahil uma-attitude!

HABANG tumatagal ay lalong dumadami ang naririnig namin na reklamo tungkol sa isang talented actress na noong una ay hindi namin pinaniwalaan. 

Isa kasi ito sa mga artista natin na talagang pinaghirapan niya ang tinatamasang kasikatan at tagumpay. Nag-umpisa ito bilang extra hanggang sa dumami ang exposures sa pelikula at telebisyon until one day, may producers na sumugal sa kanyang pangalan.

Marami na rin itong natamasang tagumpay in terms of awards and box-office hits kaya naman inaalagaan siya ng present home network.

Ang kaso, pumasok na raw sa ulo ng magaling na aktres ang kanyang ‘power’. Kung dati ay open arms nitong tinatanggap ang mga movie projects na ino-offer sa kanya, ngayon ay super duper choosy na raw ito kaya ang ending, waley.

Pati sa telebisyon ay napagdesisyunan na ng network na itigil na ang kanyang programa kahit pa mataas ang ratings nito. Nagiging cause of delay daw kasi ito at konting pagkakamali lang ng staff ay super duper emote to the max na itey.

Siya rin daw ang rason kung bakit tsinugi ang isang regular member ng show.

Well, sayang naman kung totoong lumobo na ang ulo ng aktres. Baka naman may pinagdadaanan lang o wala na talaga siyang interes sa showbiz?

Sulatan kaya natin siya, hane?!

Related Post

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Magaling na aktres, nauubusan ng projects dahil uma-attitude!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.