Blind Item: ‘Ma-I-cry’ pretty teenstar now giggles after having sex

PANSAMANTALANG NATENGGA ANG taping ng bagong Pilipinas, Game Ka Na Ba? nu’ng Lunes, dahil kay Chokoleit. Tatluhan na kasi sa isang team ang magwawagi.

At sa first episode ng new mechanics, wagi ang team nina Chokoleit, Ate Glo at Vice Ganda. Two episodes silang winner, kaya balik sila sa taping for the third episode nu’ng Lunes.

6:30pm ang kanilang calltime, ang kaso, natengga sila hanggang alas-nuwebe ng gabi. Ang dahilan, hinihintay nila si Chokoleit, dahil lumagare muna ito sa taping daw ng Sharon. Eh, 9pm na, hindi pa rin nagsisimula.

Kaya ang ending: nag-decide ang staff na panibagong game na naman ang simulan at “babu” na ang byuti ng tatlong bading na matatalino pa namang sumagot sa mga questions ni Edu Manzano.

Naka-P140 thousand ang naipong panalo ng tatlo minus the 20% tax prize, so magkano na lang? P112 thousand, tama?

Ewan kung paanong hatian ang kanilang gagawin, dahil ang sey, hindi raw nagpaalam si Chokoleit na meron pala itong Sharon taping.
Pati yata ang staff ng GKNB? ay “tinabangan” na rin kay Chokoleit, dahil nga “overlapping” ng raket.

Well, kami na po ang humihingi ng dispensa for Chokoleit. Intindihin na lamang natin ang bading, dahil nasunugan at namatayan ng pinakamamahal na ina, ‘di ba?

SI SUSAN ROCES ang guest sa May Bukas Pa this week, dahil tapos na ang guesting ni Cristine Reyes na type na type ni Santino.

Sa mga hindi nakaaalam, paboritong panoorin ni Ms. Swannie ang naturang teleseryeng nagbibigay ng hope sa mga tao, kaya naman hindi ito nagdalawang-isip na mag-guest sa May Bukas Pa bilang teacher na sobrang nalungkot nu’ng tanggalin siya sa school, eh sobrang mahal na mahal niya ang pagtuturo.

Paano kaya lulutasin ni Santino ang kalungkutan ni Teacher?

‘Yan ang inyong aabangan, dahil meron kaming participation diyan ng dyowa naming si Arlene Muhlach. As if naman, ‘yung amin ang kaabang-abang na eksena. Hehehe.

HAY, NAKU, NAKAKALOKAH naman ang isang nalaman namin tungkol sa isang pretty teenstar na iba naman ang drama kapag nakikipagtalamitam.

Kung dati’y may-I-cry siya’t magtatakbo sa banyo para du’n ituloy ang pag-cry after having sex, aba, iba naman ngayon.

Alam n’yo kung ano?

Halakhak naman daw nang halakhak ngayon na parang lukaret pagkatapos makipagtalamitam.

Hahahaha! Hahahaha!

O, ayan, sa tawang ‘yan,gets n’yo na ang clue!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

9 thoughts on “Blind Item: ‘Ma-I-cry’ pretty teenstar now giggles after having sex

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #51

  2. hoy inaabangan ko kayo talaga ni Arlene sa May Bukas Pa, ang cute kaya ng tandem nyo sobra nakakatawa……….. Pls keep us update daily on MBP…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.