Blind Item: Liberated actress, hiniwalayan ng dyowa dahil sa selos?

MAY MGA ARTISTA na kapag nakafocus sa love life ay hindi nagkakaroon ng project. Meron din naman ilan na sunod-sunod ang raket kaya ang buhay pag-ibig ay naisasantabi.

Ito raw ang isa sa mga rason kung bakit hiniwalayan ang liberated and sexy actress ng kanyang non-showbiz boyfriend na akala ng iba ay mauuwi na sa kasalan.

Paano ba naman, nakailang boyfriend na ang dalaga. Maraming short time at dineny nung bata-bata pa siya pero pagkatapos nitong magdebut ay nainvolve ito sa mga mas nakatatandang lalaki at nagtagal naman ang kanilang pagsasama (3-4 years life span). Palaging akala ay wedding bells na ang maririnig pero mukhang ‘di pa meant na magwalk sa aisle ang aktres.

Sa ngayon kasi ay may mga upcoming movie projects ito at bumabango na ulit ang pangalan niya sa endorsements.

Totoo kaya ang tsika na nagseselos daw ang ex nito not because of a guy, pero dahil daw sa dami ng projects ni girl na feeling ni ex ay napag-iiwanan siya career wise? 

Kung kami kay girl, keri na rin na maging single muna. Later na lang magaka-Katy Perry, huh!

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Liberated actress, hiniwalayan ng dyowa dahil sa selos?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.