Blind Item: Komedyana, nagpaparamdam sa nilayasang network for a comeback?

ISA SI KOMEDYANA sa pinakamasuwerteng taartits sa showbiz. Not-so-young na ito, pero masasabi na never naman siyang nabakante.

 

Some years ago ay masasabi na siya ang pinakasikat na comedian sa bansa. Halos lahat ng pelikula at TV shows niya ay certified box-office hits to the point na parte na siya ng pamilyang pinoy.

 

Katulad ng lahat ng artista, umabot sa la-oceana deep ang kanyang karir na sinabayan pa ng personal problems. Nagkaroon pa ito ng feud sa isang kaibigan na once upon a time ay prominent figure din sa network. Dahil feeling ni komedyana ay mas kinakampihan ng network si prominent figure at naka-ilang flops ito sa pelikula, nag-decide itong lumipat ng network.
Hindi naman career suicide ang ginawa ni komedyana dahil hindi ito nabakante ng show. Visible na visible nga siya sa network at plus factor pa na mga kaibigan niya sa totoong buhay ang mga katrabaho niya. Naging maayos din ang personal life niya at base sa kanyang social media ay mukhang happy naman siya.

 

Pero hindi pala siya kuntento! Ang mga projects niya kasi recently ay mga independent films at ang latest na movie niya ay hindi kinagat ng masa. Dahil lang ditto, balitang nagparamdam na si komedyana na gusto niyang balikan ang nilayasang network.

 

Dapat siguro ay mag-isip ng mabuti si komedyana. Suwerte nga niya at tuloy-tuloy ang pasok ng projects niya samantalang ang ibang taartits ay begging for work: prominent figure included! Baka lang ‘di talaga kagandahan ang mga movie projects niya kaya deadma ang mga moviegoers. Maging thankful na lang sa mighty blessings!

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Komedyana, nagpaparamdam sa nilayasang network for a comeback?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.