Blind Item: Indie directors harass sexy actors

ANG LUPIT NAMAN pala ng magkaibigang gay directors na ito. Kapag gumagawa sila ng project na medyo bold or gay ang tema, may habit daw ang dalawang ito na pinaghuhubad nang todo ang mga lalaking artistang matipuhan nila kahit hindi naman talaga kailangan.

Kunsabagay, marami namang gumagawa nito, pero ang mga talent o artista kasi, hindi na makaangal kung nasa set na, sa kagustuhang magkaroon ng pagkakataong maidirek sa pelikula ng dalawa pa namang award-winning directors.

‘Yung isang direktor nga, nang hindi makita ang desired effect ng erect penis sa artistang nag-frontal nudity, aba, pinasuso raw muna ang nota sa kaibigan niyang direktor na nagmimiron sa set, o kung may pagkakataon, siya na ang gagawa niyon?

Isang naging malapit sa isang direktor na tinutukoy namin ang naringgan naming nagkukuwento nito dahil nahalata niyang ang isa niyang alagang lalaki ay type ng nabanggit na direktor. Hindi nga raw niya maipagkatiwala ito dahil bistado niya ang modus operandi ng direktor at ng isa pa nitong kaibigan, na nang-e-exploit at iniisahan sexually ang mga nakakatrabaho nilang artista.

Well, napapangiti na lang daw kami sa lihim ng dalawang gay directors na bukod sa pagdidirek, may bago na silang designation — bilang fluffers (taga-tsupa) ng mga sexy actor na nagkakandarapang magpadirek sa kanila! Magpapatuloy naman ang style nila habang walang nagrereklamo, ‘di ba?

AYAW PALA TALAGA ng ama ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari na pinag-uusapan ito. Pero, mahirap mangyari ‘yun. Ang ex-wife niya ay ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla na very controversial, pati na ang anak niyang si K ay napag-uusapan na, in the same fashion.

Pero, masaya si K dahil supportive ang daddy niya sa kanyang showbiz career, lalo na ngayong nasa ABS-CBN na siya, at itatampok din siya sa teleseryeng Maruja. Kaya nang tinanong namin si K sa estado ng annulment case between her mom and dad, naging defensive ang young singer-actress sa ama niya.

“Kasi, napagbibintangan siyang hindi nagku-cooperate. It’s a court thing. Desisyon na ng korte ‘yan, and I don’t think my dad has really something to do with it,” sabi pa ni K.

Hindi naman makapag-comment si K dahil nga legal process na ang napag-uusapan. Mahirap lang daw na basta i-blame sa daddy niya ang ganoong bagay dahil korte naman ang nagde-decide niyon.

“Kung magpapakasal si Mommy sa iba, that will be her decision,” sabi pa ni K. “Matatanggap ko ‘yun, pero hindi ako ang gagawa ng ganoong decision. It’s really up to my mom. Whatever happens, I’m good with that.”

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

6 thoughts on “Blind Item: Indie directors harass sexy actors

  1. hoy, Daisy! ang talent kase sayo yung mang-agaw ng bf katulad siguro ng ina idol mo! walang talent? bakit? kaya ba ng idol mo magperform ng matinong show sa meralco theater? wala  kang alam kung sino si  karylle kase ang mata mo nakatuon sa mababaw na kagandahan! tanga!  sikat nga idol mo pero mang aagaw naman. forever na nyang tatak yun. magsama kayo ng psychology mo! haha!

  2. ^ jologs sya ang ininterview ng writer!
    minsan nman gamitin mo yung kokonting kokote mo
    para hindi masayang! ugaling kapusok tlaga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.