Blind Item: Hunk actor, sagad sa buto ang kayabangan?

GUWAPO, MATIPUNO. MAY TALENT. Perfect ingredients na sana ito para sa isang ‘ideal leading man’. Sa TV at pelikula siguro ay puwedeng umarte ang hunk actor, pero in real life ay kinasusuklaman daw ito ng mga naging ex-girlfriend niya.

May mga nagsasabi na ang pasimpleng kayabangan diumano ng hunk actor ang dahilan kung bakit hindi tumotodo ang pagsikat niya sa kanyang home network. Ipinares ito sa isang magandang teen actress noong araw at bini-build up na rin ang kanilang tambalan. Naging masalimuot daw ang break-up nila na halos isumpa siya ng girl at ayaw na niya itong makatrabaho.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagkainlaban din sila ng sumunod niyang ka-loveteam. Sa sobrang intense sa kiligan ng initial stage ng kanilang pagsasama ay naging intense din ang kanilang break-up. Third party daw ang dahilan at tila may attitude ang hunk actor kaya tuluyan na silang naghiwalay. Sayang dahil may plano pa man din ang network nila na bonggahan ang kanilang loveteam pero tulad ng nauna niyang girlfriend, hangga’t maaari raw ay ayaw makita ng second girlfriend ang kanyang ex.

Nang magsama sa isang proyekto si Ex-GF #1 at si Ex-GF#2, naging malinaw na ang kayabangan ng aktor ang naging major turn-off at factor kung bakit ayaw na nila ito makatrabaho man lang.

Meron na rin outsiders na nakakapansin na bilib na bilib sa sarili ang aktor. Sana ay hindi ito malunod sa kanyang pantasya. Kahit talentado ka, kung hindi ka marunong makisama ay wala ka rin mapupuntahan, huh!

Related Post

loading...

5 thoughts on “Blind Item: Hunk actor, sagad sa buto ang kayabangan?

    • Lao ay oo sis bansot talaga yan saka chismax sakin nung kakilala ko jutayers lang siya buababababbabahahahahahahhshss

Leave a Reply

Your email address will not be published.