Blind Item: Hunk actor, nilalamon ng buhay sa teleserye?!

TOTOO KAYA ang tsikang nasagap namin na anytime soon ay tsutsugiin na sa isang teleserye ang isang hunk actor dahil hindi raw ito makasabay sa intensity ng kasabayan niya sa show. In short, nilalamon siya ng mga cast members na todo-bigay at parang halimaw kung umakting.

‘Tila isa siyang tuta na iniwan sa gubat para makipagsapalaran kasama ang mga wild animals. Nakakailang takes daw ito sa mga intense scenes na may pagkakataon pa raw na naimbyerna ang isang cast member.

Isa pang nirereklamo ng televiewers ay ang development ng character ni young actor na akala nila’y magiging ‘ideal leading man’. In the end, naging annoying ito na mas mainam pa raw na tsugiin na lang ito sa show o ‘di kaya’y pasamahin na lang sa ‘dark force’. Ang kaso, the good and bad characters of the show are really competent actors.

Siguro’y kailangan pang mag-workshop ni hunk actor. Hindi pa naman huli ang lahat at maituturing na newbie pa rin siya. Dapat husayan na niya next time dahil hindi lang puro abs ang labanan para tumagal sa showbiz, huh!

Related Post

loading...

7 thoughts on “Blind Item: Hunk actor, nilalamon ng buhay sa teleserye?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.