Blind Item: Feeling sikat na ‘thunder’ actress, may sakit?!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo. Naku, maloloka kayo. Ito kasing si feeling sikat na actress, akala niya, pagkakaguluhan pa rin siya, huh!

Ang siste ni feeling sikat na actress, kunwari, pupunta siya sa mall dahil may bibilhin. Ngunit ang drama niya, nagtatalukbong ng malaking panyo na akala mo ay kumot. Kaya ang tingin sa kanya ng mga sales lady ng mall, baka may sakit, dahil balot na balot ito, huh!

Bumili raw itong si feeling sikat na actress ng sandals sa mall at nagtanong sa kanya ang isang sales lady kung bakit siya nakatalukbong. Walang kakurap-kurap na sagot ng feeling sikat na actress, “Baka kasi pagkaguluhan ako.” Huh?!

Kaya ang balik na tanong ng sales lady, “Bakit, sino ba kayo?” Aba, ang ginawa ni feeling sikat na actress, tinanggal niya ang nakabalot sa katawan, at sinabing, “Akot ito, kilala mo ako?” Walang nasabi ang sales lady kundi, “Ay si ______ (name ng actress) lang pala! ‘Kala ko kung sino.”

At ni walang lumapit sa kanya, kahit isa, huh! Sabi pa ng mga tao na nandu’n at matanda na pala siya. Akala raw nila, bata pa. Nakakaloka, ‘di ba?

Naku, mahilig mag-inarte ang actress na ito. Feeling niya sikat talaga siya, at gusto niya, pinag-uusapan siya, huh! Gusto n’yo ng clue? Dati siyang child star, huh! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

18 thoughts on “Blind Item: Feeling sikat na ‘thunder’ actress, may sakit?!

  1. si snooky yan. dating child star sya.sino pa ba si matet? hehe baka nman si vilma santos??naging child star din sya hahahah….o sige si anabelle rama na alng waaaa…

  2. pampagulo lang.. PLASTIK TLGA C MARIEL AND MUKANG MALDITA..MADAMI nagssabi nyan s staf ng wowowee… obuse nmn sa pbb plng sama ng ugali.. I HATE U TLG MARIEL!! PLASTIKERA KA

  3. Snooky Serna (born Milagros Ocampo Serna on April 4, 1966) is a Filipina film and television actress. Being the daughter of actors Von Serna and Mila Ocampo, she started acting early in life via her 1970 landmark debut Wanted: Perfect Mother, where she immediately captured the hearts of Filipino audience as a cute, sweet and smart-talking four-year old. . .

  4. dating child star c snooky….dba nklgay dating child star?
    anout nmn sa wedding ni mr & mrs. agoncillo
    gusto nila solem wala na taung mga2wa don.
    may krptan nmn clng gawin kung ano gusto nila kc buhay nila yon.

    congrats sa bagong sakal…este kasal pla
    wehhhhhhh

  5. oo childstar dati si snooky…

    PARA KAY SWARDING, nako bakit parang galit ka kina juday and ryan… inggit kalang kasi hindi ka invited.. kahit na ba public property sila ay may karapatan pa rin sila sa mga gusto nila… wala kang magagawa kung gusto nila ng private wedding.. pakialam mo kasi!

    • huh??????anung kiber ku dun?? nanghuhulahoop lang aku sa blind item uyyyyy!!!dami mung sinabe ah! hinde naman kasi childstar si snook ehhhh

      • hey shine hindi naman ikaw ang sinabihan ko ha..kundi si TITA SWARDING! basahin mo nga comment ko,, para kay tita swarding yun.. kaloka ka! sabat ka ng sabat!hahaha!

        isa pa childstar dati si snooky…tse!

Leave a Reply

Your email address will not be published.