Blind Item: Drama actor, nagkaroon ng ‘something’ sa ka-loveteam kaya pinagseselosan ng present dyowa?

IN A RELATIONSHIP ngayon ang drama actor with a non-showbiz girl. Open na ito sa publiko kaya marami ang nagtaka sa biglaang pag-unfollow ng aktor sa kanyang ka-loveteam na pretty actress na wala man lang pasabi. Maliban doon ay tinanggal na rin ng aktor ang mga larawan nila sa kanyang social media na ikinagalit ng followers ng kanilang tambalan.

Ang point ng mga concerned fans, accepted naman nila na ang ‘reel’ couple na sinusuportahan nila ay hindi magiging ‘real’ at present time as respect sa current dyowa ng aktor. Pero bakit daw magpagtatanggal ng pictures at pag-unfollow pang ganap?

May nakapagbulong sa amin na nagkaroon pala ng ‘something’ ang drama actor sa kanyang ka-loveteam. Hindi klaro kung naging maayos ang kanilang paghihiwalay, pero ito marahil ang dahilan kung bakit mas pinili ni lalaki na tanggalin na sa kanyang online accounts ang ka-loveteam para makaiwas sa gulo sa kanyang present love.

Naku, hindi ba’t nagkaroon lang naman ng mga projects ang aktor nang makasama niya ang aktres? Sa ginawa niyang ito, baka magtampo ang fans at magdemand sa network na paghiwalayin na sila ng tuluyan ng kanyang ‘reel’ sweetie. 

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Drama actor, nagkaroon ng ‘something’ sa ka-loveteam kaya pinagseselosan ng present dyowa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.