Blind Item: Dating sikat na child star, babalik sa original home network?

LIPATAN ALERT! Sa dami ng mga artistang lumalayas sa network na pinagsilbihan nila nang matagal, meron din naman iba na nagpa-planong bumalik sa kanilang original home.

Usap-usapan ngayon sa showbizlandia ang diumano’y pagbabalik-loob ng pretty and talented actress na nakilala bilang isang sikat na child star noong siyang tsikiting pa lamang. Sa dami ng kanyang loyal fans noon ay sinuportahan pa rin ito nang magdalaga na. Dahil sa dami ng mga baguhang pinapasikat ng kanyang original studio, tila napag-iwanan na ang ateh mo.

Some years ago ay lumipat ito sa kabilang network. Nagbida naman ito sa ilang palabas, pero hindi na niya naibalik ang kasikatan niya noong siya’y bagets pa lamang.

May nakapagsabi sa amin na may offer daw ang dating child star na bumalik sa inumpisahang network at balak daw sila pagsamahin ng kasabayan niya. Showdown na ba ito twenty years later? Aba, sino kaya ang mamumulubi at sino ang mabibigyan ng korona? Pak ‘yan if ever!

Related Post

loading...

3 thoughts on “Blind Item: Dating sikat na child star, babalik sa original home network?

  1. Camille Prats. Nabasa ko last project na raw niya sa GMA 7 ang Ang Forever Ko’y Ikaw na magtatapos na ngayong Firday. Bale two months lang itinagal niya, hindi makapuntos kay Jodi-Robin-Richard morningserye.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.