Blind Item: Dalawang aktres, totohanan ang sakitan sa teleserye?

MARAMI ang nakapansin na hindi na lang basta acting ang nangyayaring kumprontasyon sa pagitan ng bidang aktres at kontrabidang aktres sa isang teleserye.

Totohanan na umano ang kanilang bangayan at mukhang nagkakasakitan na talaga sa kanilang mga eksena, kung saan may mga pisikal silang kumprontasyon.

Sa isang eksena kung saan kinumpronta ng kontrabidang aktres ang bidang aktres, kapansin-pansin umano ang mahigpit na pagsabunot ng kontrabida sa bida, at ang nanggigigil na paghawak ng kontrabida sa mukha ng bida.

Ayon sa tsika, kahit sumisigaw na umano ng “cut” ang direktor, tuloy lang ang kontrabida sa kanyang “acting”. Kaya naman hindi umano nakapagpigil ang bida. Nang makapiglas siya sa “pananakit” ng kontrabida, isang ubod-lakas na sampal ang pinakawalan ng bida sa mukha ng kontrabida, sabay tulak din dito nang malakas.

Kitang-kita nga ang pamumula ng mukha ng kontrabidang aktres sa natanggap na napakalakas na sampal. At hindi na niya kailangan pang umarte na umiiyak, dahil kapansin-pansin na mangiyak-ngiyak ang kontrabida sa sakit na inabot mula sa bidang aktres.

Hindi pa roon natapos ang “pisikalan” ng dalawa. Dahil nang gumawa ng “life-threatening” na eksena ang kontrabidang aktres, hinawakan ng bidang aktres ang kamay ng kontrabida papunta sa likod nito, sabay ang mahigpit niyang hawak sa leeg nito. Pagkatapos niyang i-deliver ang maikli pero galit na galit niyang linya, muli, ubod-lakas na itulak ng bida ang kontrabida na halos ikasubsob nito. Mabuti na lamang at nasa harapan na niya ang isa sa mga bidang aktor sa teleserye.

Tanong nga ng mga miron: may pinadaraan ba ang dalawang aktres na ito?

Grabe, ha? Sobrang wild talaga ang kanilang mga acting!

 

By Parazzi Boy

 

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Dalawang aktres, totohanan ang sakitan sa teleserye?

Leave a Reply

Your email address will not be published.