Blind item: Controversial female star, maraming nalilink

HUMAHABA ANG LISTAHAN ng mga lalaking artista na nali-link sa controversial new female star (CNFS) sa bakuran ng malaking network.

Unang natsismis na nakitang ka-date ni CNFS ang dating winner sa isang reality game portion ng  noontime show at co-star niya sa katatapos na afternoon drama series  sa EDSA Shangri-la.  Sumunod ay nabalitaang nag-date sila ng guwapong hunk actor.  Balita rin na si CNFS ang bagong kinakalantari ng isang TV network magnate kaya sandamakmak  ang kanyang projects.

At ngayon, umuugong ang tsika na siya ang dahilan ng hiwalayan ng male TV host/actor at ng young actress. Nakikipag-text daw kasi si CNFS sa  TV host/actor  at nabasa ito ng girlfriend nito. Actually, ‘di raw ito ang unang pagkakataon na nabuking ni young actress si TV host/actor sa kanyang pangtsi-tsiks kahit sila na. Bababero raw talaga si TV host/ actor.

Ang tsismis pa nga, bukod sa CNFS ay nagte-text at kinukulit ulit ni TV host/actor ang  matagal na niyang kursunada at nililigawan noon na magandang young actress na paulit-ulit din siyang binasted. Ang nakakalokah pa, si  TV host/actor ang  nakipag-break sa young actress.

Imbes na mag-sorry si TV host/actor ay siya pa ang nagmamalaki kay young actress at pinapalabas na ‘yung girl pa ang may karelasyong ibang lalaki. Kung hanggang saan papatol si CNFS sa TV host/actor at sa iba pa’ng gustong makipag-date sa kanya, hindi natin alam. But for sure, dobleng ingat na ang gagawin ni CNFS once makipag-date ulit siya, ‘no.

by Julie Bonifacio

Previous articleRufa Mae Quinto, galit na galit kay MO Twister – Lolit Solis
Next articleRuffa Gutierrez at Kris Aquino, nagreact sa ginawa ni Roxanne Guinoo

No posts to display