Blind Item: Binatang aktor, selosong boyfriend!

SA SHOWBIZ, kung minsan ay mahirap kontrolin ang pagseselos lalo na kung nakikita mo ang dyowa mo na may intimate scenes sa ibang onscreen partner at kung maraming fans ang nagwiwish n asana ay maging ‘real’ ang ‘reel’.

Isa sa mga natsitsikang seloso ngayon ay ang binatang aktor na tila napagiiwanan na ng kanyang girlfriend pagdating sa pag-usad ng showbiz career.

Ang kanyang girlfriend kasi ay napapansin na ngayon at ipinapares sa mas sikat na leading man. Natural daw ang pagiging mainitin ng ulo ng binata na ilang beses na rin na-involve sa mga isyu with other popular artists.

Naku, baka dapat matutunan na ng binatang aktor na mag-chill. Siguradong mababawasan na ang babe time nila ng girlfriend dahil sa lagare sa trabaho. Baka dapat ay pagtuunan na rin nito ng pansin ang kanyang sariling career dahil dito na rin siya sa showbiz world namulat pero ‘da who’ pa rin siya sa madlang pipol. Kailangan na niya mag-survive!

 

Related Post

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Binatang aktor, selosong boyfriend!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.