Blind Item: Bagong lipat na sexy actress, dahilan ng pagkaka-freeze ng teleserye?

HOW TRUE ANG tsikang dismayado diumano ang ilan sa mga artistang parte ng isang malaking teleserye, na nanganganib na hindi na maipalabas?

Noong nakaraang taon ay todo ang press release sa malaking proyektong ito, na pinagbibidahan ng isa sa versatile leading actors ng istasyon at isang sexy actress na bagong lipat. Marami ang nagsasabi na maraming plano ang nasabing network sa aktres dahil maliban sa kanyang magandang mukha ay may ibubuga rin naman ito pagdating sa aktingan. Nagbida na rin ang dalaga sa ilang short-lived teleserye. Nagbiyahe pa palabas ng bansa ang cast and crew ng teleserye last year at nagpalabas na rin ng teaser trailer ang production.

May nakapagsabi sa amin na ang totoong rason kung bakit hindi maipalabas ang ambitious project ay dahil sa…. continuity.

Ayon sa aming source, nag-gain daw ng weight ang sexy actress at may mga iba pang issue na ayaw ilabas ng production staff. Dahil dito, hindi makatanggap ng ibang TV projects ang mga artistang involved. Dalawa sa cast members ay pansamantalang isasalang muna sa ibang show dahil nagpakita na raw ang mga ito ng pagkadismaya.

Nganga daw kasi sila!

These days, mahirap na rin kung hindi ka visible sa TV. Madali nang makalimot ang mga fans lalo na’t maraming bagong artista na pinapakilala every now and then. Ayaw din naman siguro ng mga taartits to feel blue, right? ‘Yun na!

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Bagong lipat na sexy actress, dahilan ng pagkaka-freeze ng teleserye?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.