Blind Item: Bagong loveteam, ‘scripted’ ang lambingan?!

 

MARAMI ANG NAGTATAKA kung bakit all of a sudden ay todo post ng sweet gestures ang dalawang magka-loveteam na ipinares sa isa’t isa last year. Ang isa ay galing sa isang reality show habang ang isa naman ay lately lang nabigyan ng break at umani ng maraming fans.

Siguro ay sabik ang dalawa na maabot ang pinapangarap na bituin. Never kasi silang nagkaroon ng stable na kapares at napag-iiwanan na sila ng mga kasabayan.

Dahil ito na ang magsisilbing daan para sa stardom na inaasam-asam, gagawin nila ang lahat para bumongga ang karir!

Totoo kaya ang chika na may usapan diumano ang dalawang artista na dalasan ang pagpopost ng sweet messages para kiligin ang mga fans nila at suportahan ang big project?

Kung totoo man na hindi sincere ang kanilang paglalambingan sa social media, baka delikado ‘yan!

Abangan na lang natin kung sweet-sweetan pa rin ang dalawa kapag natapos na ang ‘make or break’ project.

 

Related Post

loading...

2 thoughts on “Blind Item: Bagong loveteam, ‘scripted’ ang lambingan?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.