Black travel alert at sanction ng HK sa ‘Pinas, lifted na

LIFTED NA ang “black travel alert” ng Hong Kong laban sa Pilipinas na nag-ugat sa madugong bus hostage crisis noong 2010 sa Luneta, Maynila.

Personal na pumunta si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa Hong Kong para ipaabot ang opisyal na paghingi ng paumanhin hinggil sa naganap na insidente na ikinamatay ng ilang HK tourists.

Maliban dito, tinanggal na rin ng Hong Kong ang mga ipinataw na sanction sa bansa katulad ng suspensyon ng visa-free access para sa mga opisyal ng gobyerno na nagtutungo sa kanilang lugar.

Inanunsyo rin ni Hong Kong Chief Executive CY Leung kung paano silang nagkasundo sa resolusyon ng pamahalaang lokal ng Maynila.

Kabilang umano sa malaking konsiderasyon ay ang pormal na paghingi nito ng tawad at ang pagdedeklara ng August 23 bilang “day of prayer” para sa mga nasawing turista.

Tiniyak din ng dalawang panig na tutuparin nila ang mga kahilingan ng mga pa-milya ng mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.