Black Monday vs judiciary fund cut, kasado na

TULOY NA NGAYONG araw ang gagawing “Black Monday protest” ng mga empleyado ng mga korte sa buong bansa laban sa mababang pondo na inilaan ng Malacañang sa hudikatura para sa susunod na taon.

Magsusuot sila ng kulay itim na damit , bilang simbolo ng kanilang protesta, ayon kay Judiciary Employees Association of the Philippines (Judea) interim president Mar Aguilar.

Batay sa 2012 budget proposal ng ehekutibo, ibi-naba sa P13.396 bilyon ang pondo ng hudikatura mula sa hinihingi ng Supreme Court (SC) na P27.1 bilyon.

Kabilang din sa tinututulan ng Judea ay ang plano ng Palasyo na ilipat sa Office of the President ang pondong nakalaan para sa mga “unfilled positions” ng judiciary.

Bagama’t wala pang balak na sumali sa protesta, sinabi ni Philippine Judges Association president Antonio Eugenio Jr. na nakikiisa umano sila sa hinaing ng mga miyembro ng Judea.

Sa pagharap nito sa budget deliberations sa Senado, sinabi ni SC spokesman Midas Marquez na nilalabag ng Malacañang ang nakasaad sa Konstitusyon hinggil sa separation of powers, fiscal autonomy at ang “non-reduction” sa budget ng hudikatura mula sa budget nito ng sinundang taon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.