Black gown ni Kris Aquino, pinuna – Cristy Fermin

AYON SA GRUPO ng mga kababayan nating nagpoprodyus ng mga shows sa ibang bansa, kapag hindi nagbago sa kanyang mga kapritso ang isang taong direktang kunektado sa isang magaling pa namang male performer, siguradong madadala na sa kanila ang mga prodyuser.

Malaki na kasi ang talent fee ng performer ay kung anu-ano pa ang hinihingi ng taong nagmamaniobra sa kanyang career sa mga namumuhunan.

Ayon sa isang nakausap namin, “Grabe siyang mag-demand, nakakaawa talaga ang producer ng show. Sa planning stage pa lang, sasakit na ang ulo ng prodyuser dahil sa dami ng requirements ng taong ‘yun na close na close sa singer.

“Kapag kinuha mo siya, kasama ang family niya. Sa hotel pa lang, dalawang suites na ang hinihingi niya. ‘Yung isa, para sa mga kasama nila sa entourage, ‘yung isa naman, sa kanilang pamilya.

[ad#post-ad-box]

“Magkano ang airfare ngayon? Tapos, ‘sangkatutak pa ang isinasama nila. Meron nang coordinator sa mismong production, kailangan pa nilang magdala ng sarili nila, dahil ayaw raw nilang pumalpak ang sequence ng mga songs ni ____(pangalan ng male performer).

“Heto pa. sa menu, four pages ang ibinibigay niya, listahan ‘yun ng mga pagkain ng singer. Hindi kasi siya puwede sa kung ano lang, meron silang requirements, dahil makasasama raw sa singer ang ibang food.

“Itong huling show niya, kasubuan na lang ‘yun, nakapag-downpayment kasi agad ang producer sa kanya, kaya itinuloy na lang ang show,” simulang kuwento ng aming impormante.

Kapag ang male singer ang bida sa show, siguradong hirap ang prodyuser na makabawi sa kanyang puhunan, napakarami nga kasing hinihingi ng humahawak sa kanyang career.

“’Yung ambulansiya, okey lang ‘yun, baka nga naman kasi may mangyari sa performer, pero ‘yung iba pang luho, huwag naman sanang ganu’n ang ginagawa nila dahil hindi naman ganu’n ka kadaling mag-produce ng mga shows sa ibang bansa,” sabi pa rin ng aming source.

AYAW PANIWALAAN NG mga nakakausap namin ang katwirang hindi pa kasi nagbababang-luksa ang pamilya Aquino sa pagkamatay ni Tita Cory, kaya nakaitim si Kris Aquino nu’ng nakaraang kasal nina Senador Mar Roxas at Korina Sanchez.

“Hello! Teka lang. E, naka-yellow nga siya nu’ng Sunday, ‘di ba? Hindi ko bibilhin ang katwiran na they are still in mourning, kaya naka-black dress siya nu’ng kasal nina Mar at Korina.

“Kundi ko siya nakitang nagsuot ng ibang color, baka maniwala pa ako, kaso, nagsusuot na siya ng ibang kulay. Of course, other than black, yellow lang ang isinusuot niya, dahil ‘yun ang political color ng kapatid niya!” inis na komento ng isang kausap namin.

May dahilan ang kuwento, ayon sa aming mga kausap ay gusto lang kasing mapaiba ni Kris, kaya nag-itim siya nu’ng kasal nina Senador Mar at Korina.

“She’s always like that naman, ‘di ba? She wants to be unique, she always wants to get the attention of other people by being different from the others, ‘yun siya talaga.

“Imagine naman, wedding ‘yun, nakakahiyang magsuot ng black, pero talagang nakaitim siya. Ano ‘yun, ipinagluluksa niya ang pagpapakasal ng dalawa?” hirit pa uli ng aming mga kausap.

Isa lang ang ibig sabihin nu’n, sikat kasi si Kris Aquino  kaya kahit ano pang kulay ang suot niyang damit ay papansinin at papansinin pa rin siya.

Kakambal na ni Kris Aquino ang kontrobersiya na gustung-gusto naman niya, pramis!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

46 thoughts on “Black gown ni Kris Aquino, pinuna – Cristy Fermin

  1. its quite obvious na may misunderstanding pa rin kau ni kris aquino. kasi wala ka pang naisulat na maganda tungkol kay kris. ang tawag dyan: using the power for personal purpose. ganyan ba ang columnist na may kredibilidad? kakahiya.

  2. para sa akin ok lng naka black siya but please lang hindi nya kailang rumampa sa aisle// kasal yun ok! we respect her mourning pero hindi nya ni respeto ang wedding ni korina .. pwede namn siyang hindi rumampa doon. sa aisle.. para sa akin kris is a good example of a edukada na babae na walang breeding.

  3. gus2 kasi ni landi kris maganda xa sa iba . eh alang ala nman xa ( kris ) sa itsura ni ruffa pa lang . hehehehe pis mga kabagang .

  4. kaya cnabi ni kris un eh kasi ginagamit nya cna kim at gerald . para sa kanyang noy noy . hahahaha eh dati dati eh inapi api nya ( kris ) c gerald , pati si sam ( remember ? ) hehehehe ngaun naman todo papuri kina kim at gerald . pano pag pinuri nya cna kim at gerald ung mga fans ng dalawa matutuwa sa kanya ( kris ) hahahaha style mu kris aquino BULOK . nang gagamit ka pa ngaun . hahhaha ngaun gus2 pa nya makasama ung dalawa ( kim gerald ) sa soap . sakto pa sa 2010 . hahahaha style mu ugak ka talaga kris nuh . hahahha

    pati c angel ginagamit , hahahaha c kris talaga , hay

  5. Hoy gaga, black is beautiful! At sa panahon ngayon, kahit anong okasyon, pede ng gamitin ang kulay black, que kasal, que birthday or what, palibhasa laki ka sa bundok. Punta ka ng Europe at halos pansin mo sa mga okasyon na halos nakaitim ang mga tao. E kahit sa Pinas nga, ganoon na rin, tumigil ka inggitera ka talaga!

  6. hoy pangit!!! impakta!!! ang isang bago lang namatayan ay hindi pa pwede magpunta sa isang kasalan og kahit anong okasyon kaya si kris naka blACK!!! INTINDI pANGIT NA ASWANG!!! AT maukhang pera!!! alam mo cristy better ka talaga na tao kaya mag \kasundo kayo ni gretchen dahil pareho kayo adilantada at mga mukhang pera at manloloko!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! pangi!!! litsi ka cristy!!!!

  7. hoy cristy! tigil tigilan mo ang iyong inggit. baka naman hindi ka kasi invited kaya ganun. ikaw kung pupunta ka ba hindi o isusuot ang iyong black pant suit na iisa lang yata t pinapalitan lang ang collar na parati mong suot noon sa buzz bago ka na fire!

  8. sa pilipinas lang naman masyadong nabibigyan ng pansin ang pagsuot ng itim sa kasal eh. sabagay kahit ako ayokong may nakaitim on my wedding day. traditional na lang masyado sa pilipinas, kasi sa amerika nagsusuot sila ng itim sa kahit na anong okasyon. meron pa ngang kasal na nagblack motiff. so kanya kanya lang yan. siguro naipagawa na ni kris ang damit nya noon pa lang. di ba nagsalita na nga siya na magbablack siya for 6 months. although di pa niya naisip na during special occasions at yung happy events e dapat ibang kulay naman. di naman nagreklamo si mrs. roxas so i guess she knows and understands. kay yung mga nang-iintriga magsaya na lang kau…

  9. si mother lilly naka itim din bakit un di nyo punahin?
    single out nyo naman si cris kasi galit ka sa kanya. este inggit ka pala sa kanya.

  10. ptawa ka nman cristy damay mo pa ang ibang tao for sure ikaw lang ang pumuna eh mano nman kung black ang masama nyan kung siya yung bride tapos nka-black wedding dress…

  11. CRISTY!

    bakit naman c Greta andun dn d mo pinuna? Dilaw ang gown nya… C sunshine Violet naman

    epal ka tlga eh malalim ang sama ng loob ko ke kristeta.. ayaw ko naman dn sknya kaso ikaw obvious ka msydo!

    compare sayo? sarap tapakan ng mukha mo.. .sa dami ng kacnungalingan mo.. kea ka nawawalan trabaho… wag mo antyin pati i2 mawala ren

  12. hindi kasi pinanood ni Cristy Fermin and the Buzz last Sunday…Sinabi na ni Kris dun na black ang gown niya…mag research muna kasi kayo bago mag sulat ng kung ano ano, nag mumula kang tanga niyan eh…

  13. Pingback: Black gown ni Kris Aquino, pinuna – Cristy Fermin | Pinoy Parazzi … | Pilipinas Got Talent

  14. How did you konw that the bride didn’t react? Sweetie is right, because there were other occassions that Kris wore other colors. She should have respected the couples wish that motiff must be filipiniana. In our culture, filipiniana doesn’t allow black, because we believed that black is only for wake. If you will insist again that we’re modern and it’s widely use in US, well, the wedding didn’t happen in the US. This only means, that Kris wants to be different, in this regard, she will steal the limelight from Korina and she succeeded. She even joined the entourage by dragging his son to the altar. You’re still filipinos even if you have blue passports

  15. Asawa ko si Kris, but there’s nothing to be proud of, if you just know her, you’ll get irritated with her. Kawawa naman si James Jr. ko kasi they’ll gonna bully him when he grows up, they’ll call him STD, because her mom can’t control her mouth and always wants to be talked about. They’ll call him home wrecker. Kris should realize these, she should have not done those. My son should stay humble so people won’t get back at him because of her mom

  16. Humoriffic mali pa spelling mo, kita mo ikaw rin nagkakamali, huwag kang manghusga at baka ikaw ang husgahan sa taas, o baka may reserved room na sa iyo impyerno like what you have said? Makikilala mo lang ang isang tao pag nakasama mo ng matagal at kasama mo sa bahay. Sabi nga kung sino ang walng kasalanan siya ang unang pumukol

    • cristy, ang sama mo talaga. ginagamit mo pa ang ngalan ni james yap para mangutya. bitter at inggit ka kay kris kasi sinipa ka ka sa tv at radio at di ka pinanigan ni kris tulad ni jobert. di ba malakas ka kay willie at bagyo si willie sa dos bakit di ka mag-apply sa wowowee para kasama mo si mariel at rr na parehong mong plastic. kaya lang ikaw pambansang orocan next to mega.

  17. pag nagblack kasi si fermin magmumukha syang SUSHI. taena malansa na, mabaho pa. kaya to kinakarma si cristy eh. parang mas masahol pa sya sa magnanakaw. yung pinapakain nya sa pamilya nya galing sa masama. naninira. di ko maintindihan bakit may mga press na ganito no?

    tignan nyo yung kay roxanne guinoo, sinagot sagot nya yung press, eh kasi akala nitong mga press people na to, sila yung mga hari sa industriya. basta kasi may naniniwalang mga tao dun sa artista, talo yang mga write ups na yan ng mga kumag na yan. punung puno na ang impyerno dahil nakareserve na dun ang mga kwarto ng mga tulad nito ni cristy fermin. PWE!

  18. ay nako fermina.. inggit kna nman! Sna lang napanuod mo ng ayos yun interview dun s programang nagpalayas sayo n the buzz… Ingrata ka tlga!Keri nya nga magdala! Echoserang PAngit na Frog k talaga!!!

  19. FILIPINIANA kasi ang motif, so its like black is the least color expected to be worn, lalo na sa babae. Kung sa guys naman, siguro BARONG TAGALOG ang nirequire sa kanila, because of the motif nga. And Kris’ gown was NOT PURE BLACK ha, may yellow designs pa. So super politikado ang pagkakaintindi ko sa damit nya.

    Anyways, being still in the Philippines and still living up to it’s culture, wag na natin ikumpara sa kung ano ang uso sa ibang bansa, lalo pa kung may motif na sinusunod. Ang lagay kung sa Scotland uso ang mga lalaking nakapalda, aasahan nyo rin na magpalda ang mga lalaki dito?

    Grow up! Naturingang mga nakaranas makatapak sa ibang bayan eh dapat mas maintindihan nyo nalang ang lagay ng sitwasyon.

  20. kaganda kaya ni kris sa suot nya. At sana nga tigilan na yang mga walang kwentang ideya na noon pang panahon ng giyera. Black is beautiful. Sa america. sa europe at sa mauunlad na bansa, black gown ang suot ng majority kahit sa wedding pa.

  21. Hindi nga acceptable sa kultura natin ang itim kaya may mga nag react, ngayon kung sa america okay lang talaga. Modern nga tayo pero majority ay laid back pa rin sa atin

    • ngayong inumpisahan na ni kris ang black dress sa wedding….surely na me gagaya na rin dyan…ganyan naman e…pag me pagbabago…me kokontra,…pero in time…susunod na rin ang iba…inggit lang kayo kasi hindi sa inyo nagsimula ang pauso….

  22. Cristy, wag mainggit. In fashion today, tanggap ang black gowns. Pumunta ka dito sa japan, ang mga guests, 90% nakaitim. Wag tayong magtanga tangahan dahil alam natin na walang masama kung gusto ni Chris na maiba. Si Shunshine Crus, naka purple. Si Greta naka bright yellow. Cristy, dahn dahan sa kainggitan kay Kristeta ha. Napaghahalata ka na di ka talaga puwedeng pagtiwalaan. Yung mga writeups mo recently, purposely tearing down people. May kunsensya ka pa ba?

  23. yes…tama ang kramihan d2 even here sa japan…blck ang suot ng mga umaattend sa wedding basta may ibang color na ksama…like…a pearl necklace o basta hndi purong blck
    ordinaryo nlng ngayon un…sobra kcng namulat ang pinas sa lumang pamahiin eh.

  24. Evening naman ang affair so acceptable ang black, hello! Kahit naman sa wedding okay ang black huwag lang siguro pag morning ang wedding. I think masyado namang pinepersonal si Kris Aquino. Ako, I don’t like her either she’s irritating to my eardrums pero objective naman ako, di ako tumitira na lahat na lang sinisilip.

    Ang akin lang naman sana si Kris nilalagay niya na ang sarili niya sa age niya, she’s not anymore a kolehiyala aba e kung di lang autsitic si Joshua in a few years baka lola na siya. Anyway, one thing is for sure kulang siya sa attnetion na kailangan niyang ibida sarili niya or family niya obvious iyon sa shows niya, she keeps on butting-in out of topic na minsan. And she’s so insecure in so many ways baka kasi maagang naulila sa ama that’s why and since maraming naging problem family niya when she was a kid baka kinulangan sa atensiyon though I know that Mrs. Aquino did her best to perform the role of both father and mother. In the end, pasalamat na lang si Kris respetado ang parents niya kasi ang kahihiyan ng family niya siya lang lahat ang nagbigay: she got pregnant by a married man nearly twice her age; she got STD sa pagiging mistress for a 2nd time. Anyway, we all have our chance to change sana she change not bec. her brother is running for a position but bec. it’s high time.

  25. i always read this website, but this will be the first time i will be commenting because of this ridiculous article . Black dress is very acceptable in a wedding. Majority of the wedding I’ve attended whether here in the US or in the Philippines I’ve always wore black.

    OA talaga mga walang ka unlad unlad na mga pilipino, kaya ang bansa hindi umuusad.

  26. Hoi swangit, inggitera ka talaga, laswa talaga ng ugali nito, masahol ka pa sa aong ulol.. pasensya ka dahil mas bagay kay kris ang nakaitim eh ikaw, kung makaitim ka rin parang kasing itim rin ng budhi mo hahahaha remember that one….hahahahaha

  27. sa pilipinas malaking issue kapag nagsoot ka ng black sa kasalan, unlike dito sa Amerika, talagang black ang sinosoot sa mga formal ng occasions like wedding. maganda yung soot ni Kris in fairness

  28. Isa lang ang ibig sabihin nu’n, sikat kasi si Kris Aquino kaya kahit ano pang kulay ang suot niyang damit ay papansinin at papansinin pa rin siya. – totoo
    saka wala namang kaso mag itim sa kasal eh. hello, modern na tayo
    si mother lily nga naka black din ah

Leave a Reply

Your email address will not be published.