Black Eyed Peas concert, bulilyaso – Pilar Mateo

SAAN PA NGA raw ba ilalagay na kategorya ang mahusay pa namang aktor na si Baron Geisler sa panahong ito, kundi sa pagiging isang diumano’y alcoholic na.

Sa birthday party ni Direk Maryo J. delos Reyes, marami raw ang nakasaksi kung paanong nagbasag daw ng mga bote si Baron.

Marami ang hindi nagustuhan ang kanyang ginawa kaya naman ang kinahantungan daw, eh, ang pambubugbog na sa premyadong aktor dahil na rin sa sobrang kakulitan nito.

Pinauuwi na si Baron pero wala naman daw gustong maghatid dito at matagal pa bago may nagkusa na  ihatid ito sa kung saan para na lang matigil ang panggugulo niya.

The next day, forward na naman sa akin ng text message ang Julio Diaz na nasa set ng indie fIlm na ginagawa nito para sa produksiyon ni Maria Isabel Lopez. At nasa nasabing set din daw sina Criselda Volks, Liz Alindogan at Melissa Mendez. Kaya sabi ko kay Julio, tanungin niya si Baron kung ano ang nangyari at nasa news na naman siya ngayon.

[ad#post-ad-box]

Wait ako ng sagot ni Julio. Masunurin naman. Tumawag na raw sa kanya si Baron, “only to ask what had happened sa party ni Direk. Tinanong ko pero he denied what has happened. According to Ynez (Veneracion), nakulitan ata ang AGA (Muhlach ba ito?).”

Hindi na nag-elaborate pa ang Julio sa sagot sa kanya ni Baron.

Sabi ko naman kay Julio, marami naman daw ang nakakita sa nasabing pangyayari kaya paano itong itatanggi ni Baron?

SI DINGDONG DANTES ang nagiging tagapagtanggol ngayon ni Sunshine Dizon na tsinugi sa Tinik sa Dibdib dahil nagiging pain in the neck na ng produksiyon sampu ng mga respetadong mga artistang kasama niya sa nasabing soap.

Sabi ni Dingdong, unawain daw si Sunshine dahil may sakit nga ito.

Anyway, ang napisil para pumalit kay Sunshine ay ang walang kaalam-alam na si Nadine Samonte na ine-enjoy ang kanyang trip sa Europe nang tawagan siya ng ina kung makababalik na agad ito para makasalang na agad sa taping.

Ito na nga siguro ang hinihintay ni Nadine na pintuang magbukas sa kanya para tuluyan nang mapansin sa mundong pinasok niya.

ANG BLACK EYED PEAS ni Apl De Ap sana ang next na proyekto ng Fearless Productions nina Jomari Yllana at ng magkapatid na Ronald at Ryan Singson sa November.

Pero dahil walang kaabug-abog na dumating sa bansa si Apl De Ap para sumalang sa isang fund-raising concert para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng, mukhang nagkaroon ng problema ngayon sa negosasyon with the people behind BlackEyed Peas and Fearless.

Kaya, wait pa muna tayo ng advise kung ano ang next project na isasagawa ng Fearless by November, if not December.

Ang nalaman ko lang, malaking problema raw talaga ang naging dahilan kung bakit hindi muna masasaksihan ang Blackeyed Peas sa MOA sa last week ng November na ihahatid sana ng Fearless Productions.

Malamang ay hindi pa alam ni Apl De Ap from his manager or promoter na may isang malaking concert na inihahanda para sa BEP next month. Pero siyempre, sa kagustuhan naman nitong magbahagi ng tulong sa kanyang mga kababayan, agad-agad na isinalang ito sa concert na ‘yun sa Sky Dome!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Black Eyed Peas concert, bulilyaso – Pilar Mateo

  1. Fergie is still the hottest member and probably the most talented member of Black Eyed Peas.;`,

Leave a Reply

Your email address will not be published.