Biyudo, Todas sa Magpinsan

PATAY ANG biyudo matapos pagtulungang hatawin ng tubo sa ulo ng magpinsang kalugar nito kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si Jorge David, 43, construction worker, ng Barrio Sto. Niño, Tala ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan Police ang isa sa suspek na si Benito Gabirtan, 68, may-asawa, habang tugis ang pinsan nitong si Arthur Gabirtan, 30, electronic technician at kapwa kalugar ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi, nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Lingid sa kaalaman ng biktima inaabangan ito ng mga suspek sa kanyang pag-uwi, bago pa man ito makapasok sa kanilang bahay ay biglang sumulpot ang mga suspek saka pinatulungang hatawin ng tubo si David.

Ilang nakakita sa pangyayari ang nagsugod sa biktima sa naturang pagamutan subalit hindi rin ito umabot pang buhay.

Matapos ang insidente tumakas ang mga suspek subalit minalas ang matandang Gabirtan at agad itong nadakip ng mga awtoridad.

Inaalam na ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.