Biyuda, Napatay sa Bugbog sa Loob ng Banyo

PATAY NA nang makita ang isang biyuda na nakahubad sa loob ng pampublikong banyo sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Tita Pacheco, 53, ng Sampaguita Dulo, Pabahay, Tanza ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Mar Soriano, 24, kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-12:30 ng umaga, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang anak na lalaki at ilang kaanak sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na lasing na.

Nagtangkang makitagay ang suspek na nagbigay pa ng pang-share upang makabili pa ng alak subalit tinanggihan ng anak ng biktima na ikinagalit ng una.

Upang hindi lumala ang usapan ay inaya ng biktima ang suspek papalayo subalit laking pagta-

taka ng mga kainuman dahil medyo may katagalan na ay hindi pa bumabalik si Pacheco.

Isang kalugar ang gagamit ng pampublikong banyo ang nagulat nang makitang nakahandusay at nakahubad na ang biktima na naging dahilan upang sabihin sa mga kaanak ng huli.

Matinding pinsala sa ulo ang naging dahilan ng kamatayan ng biktima kung saan inaalam pa kung hinalay ang biyuda bago pinatay.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.