Biyuda, Kulong sa Deodorant

KULONG ANG biyuda nang magpuslit ng mga deodorant sa isang supermarket sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa kasong Theft si Jane Ramos, 57, ng A. Mabini St., Maypajo ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:40 ng tanghali, pumasok ang suspek sa Novo Supermarket sa Rizal Avenue Ext., ng lungsod at nagkunwaring costumer.

Paglabas ng suspek ay sinita ng guwardiyang si Jacquelyn Balauitan ang suspek matapos mapansin na hindi dumaan sa counter ang biyuda.

Nang tignan ang dalang plastic bag ng suspek ay nakita ang aabot sa 177 piraso ng iba’t ibang klase ng Rexona deaodorant at hinanapan ng resibo, subalit walang naipakita na naging dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.