Biyenan, Tinarakan ng Manugang

PATAY ANG isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang sariling manugang sa bayan ng Mangaldan sa Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Mario Reyes,nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan habang ang suspek ay si Vergelio Alvarado, 67, at residente din ng bayan ng Mangaldan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, nagtungo ang salarin sa bahay ng biktima para bisitahin ang kanyang pamilya na matagal nang hindi nakikita nang mahigit ng tatlong buwan.

Nagkaroon ng alitan ang magbiyenan hanggang sa nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dahil sa tinamo nitong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay idineklara na itong dead on arrival.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang ang suspek ay naghihimas na ng rehas sa piitan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.