Biyenan, Kritikal sa Senglot na Manugang

KRITIKAL ANG isang ginang matapos sumpakin ng senglot na manugang mkaraan magalit ang huli dahil sa pagsita ng una sa palaging paglalasing ng suspek sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mgatama ng shrapnel sa likod si Helen Tuldanes, 50, ng Kaingin St., Tinejeros ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis pulis ang suspek na si Rodel Puti, 30, ng nasabing lugar.

Base sa ulat, alas-10:30 ng umaga, umuwing senglot ang suspek na sinita ng biktima.

Pinagsabihan pa ang suspek ng biyenan na tigilan na pag-inom ng alak na ikinagalit ng una sabay kuha ng sumpak at pinutukan ang biyenan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa PDMMMC ang biktima.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.