Biyenan, Inutas ng Manugang

PATAY SA kanyang manugang ang isang 62-anyos na biyenan matapos ang mainitang pagtatalo sa Tondo, Maynila, kamakailan.

Dead-on-the-spot matapos pagsa¬saksakin ang biktimang si Victorino Pingoy, biyudo, residente ng Bldg. 26, Unit 127 Katuparan, Vitas, Tondo.

Dinakip naman ang salarin na si Randy Penero, live-in partner ng anak ng nasawi na si Eva Pingoy, tubong-Bicol at nanunuluyan sa bahay ng ama.

Base sa ulat ni PO2 Ronald Gallo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na kababalik pa lamang ng salarin mula sa pagbabakasyon nang limang buwan sa Bicol ay agad nitong nakaalitan na ang biyenan dahil sa paninita ng huli na tamad ang kanyang manugang.

Sa sobrang galit ng suspek, kumuha ito ng kutsilyo sa lababo at sinamantalang atakihin ang biyenan habang nakaupo at nagpapahinga sa bangko sa terrace.

Depensa pa ng salarin, noong Disyembre ay binugbog siya ng biyenan at pinalayas, gayong helper naman umano siya sa tindahan nila sa Divisoria.

Wala umano ang asawa ng suspek dahil nagti-tinda ito sa Divisoria.

Samantala, mabilis namang naaresto ang salarin ng mga barangay tanod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.