Biyenan, grinipuhan ng manugang

ISANG 54-ANYOS na lalaki ang nasawi matapos saksakin ng kanyang manugang sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Naguilian, Isabela kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Alfredo Vergara Jr., magsasaka, habang kritikal naman ang bayaw ng suspek na si Alfredo Vergara III.

Nasakote naman ang suspek na si Reydolito Agloot, 26, trike driver.

Batay sa ulat ng pulisya, umuwi ang suspek na la-ngo sa alak at gutom nang salubungin ng biyenang lalaki.

Sa halip na pagkain, matatalim na salita ang inihain ng biyenan kung saan nauwi sa mainitang pagta-talo hanggang sa inundayan na ng saksak at mapatay nito ang biyenan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.