Biyahe ni Jinggoy sa US, nasa ‘lookout’ ng DOJ

SINABI NA umano sa Department of Justice (DoJ) ang detalye ng pagpunta ng Estados Unidos ni Sen. Jinggoy Estrada na umalis patungong San Francisco.

Inihayag ni Bureau of Immigration spokesperson Maria Angelica Pedro na hanggang “lookout bulletin” lamang ang maaa-ring gawin ng kanilang tanggapan sa sinumang mga nakasuhan ng pandarambong sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Pedro, tanging ang kinukuha ng BI sa mga nakasuhan sa pork barrel fund scam ay ang detalye ng kanilang paglabas ng bansa maliban na lamang kung may ipinag-utos na hold departure order.

Una nang sinasabi ni DoJ Secretary Leila Lima, nagpaalam na sa kanya ang senador na lalabas ng bansa at nangakong baba-

lik ito upang harapin ang kanyang kaso kasunod ng hirit nitong kanselasyon ng pasaporte ng iba pang mga isinangkot sa kontrobersiyang kinasangkutan din ni Janet Lim-Napoles.

Samantala, ang Department of Foreign Affairs (DFA) lamang ang may kapangyarihan na magkansela ng pasaporte kung kaya’t hindi rin nila maaaring pigilan ang senador na makalabas ng bansa, ayon kay De Lima.

Napag-alaman din na base sa data base ng BI, alas-11:00 ng umaga umalis si Estrada lulan ng Cathay Pacific flight CX 906 patungong Hong Kong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.