Bituwing Tulad Natin: Apektado rin ng bagyo

Cristine Reyes: Stranded sa Bubong

Matagal-tagal ding na-stranded ang sexiest Pinay na si Cristine Reyes sa bubong ng kanilang tahanan sa Marikina. Ilang press people na nga ang nang-interbyu sa kanya through phone patch habang siya ay natatakot sa lakas ng ulan at nanginginig sa lamig. Kasama rin niya ang mga pamangkinj at kaanak nakipagsapalaran sa bagsik ni Ondoy. Buti na lang at dumating ang kanyang leading man na si Richard Gutierrez para sagipin siya

Gerald Anderson: Akyat-Bakod

Tila nabuhay nga si Tiagong Akyat kay Gerald Anderson, huh? Hero ang dating ni Gerald kasama ang kapatid na si Kenneth nang tulungan nila ang kanilang mga kapitbahay sa Vista Real Classica sa Quezon City. Isang doktor na nagngangalang Divina Gracia Rosales-Murao ang nakakuha ng mga larawang na nagpapatunay ng pagiging matulungin ni Gerald. Sino ba naman ang hindi mai-inlove sa kanya?

Jericho Rosales: Surfing sa Baha

Ooops! Surfing for a cause po ang ibig naming sabihin! Marami ang naaliw sa kakaibang pamamaraan ng pagtulong ni Jericho Rosales at ng kanyang mga kaibigan sa mga nabiktima ni Ondoy. Ginamit lang naman ng grupo niya ang kanilang surfing skills para iligtas ang mga nangangailangan. Narito ang mga larawang nakuha sa official Facebook fanpage ni Jericho. Surfing sa baha? Why not, chocnut!


[ad#post-ad-box]

By Parazzi News Service

loading...

One thought on “Bituwing Tulad Natin: Apektado rin ng bagyo

  1. nakuha pang mag-interbyu ng mga reporter ei kita na ngang stranded na ung tao sa itaas ng bubong…di man lang nag-offer ng tulong…pakinabang lang ang nasa isip.

Leave a Reply

Your email address will not be published.