Bistek, umatras na kay Kris Aquino

Herbert-BautistaOMG! AS in Oh My Gosh! Parang hindi ako. Natatawa na lang kami ng isang kaibigan na sinusubaybayan ang bawat utot ni Kris Aquino. Sabi ko sa kanya, para na akong napapagod sa kabubuntot sa bawat kembot niya.

Mula noong nakaraang kaarawan niya last February 14 na sa statement niya that she was dumped by a “ghost” suitor (na na never namang nakilala o naaninag ng pubiko ang aparisyon), that the guy do not want her anymore, hanggang sa eksenang pa-cute ni Tetay sa dating asawa na si James Yap, hanggang itong huli na item naman sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, napagod ako sa kasusunod sa mga Instgram postings and revelations ni Kris.

Nang hindi matagalan ang bashing ng social media observers at sawsawero sa pagkaka-link ng pangalan niya kay Kris, si Mayor Bistek na rin ang sumuko. Na umabot sa punto na sa kagustuhan na may mensahe na gustong itawid sa kanyang followers at para na rin sa sarili, bigla-bigla ay nagpagupit si Kris ng napaka-ikli (first ever in her life) na in fairness ay maganda. Lunes pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay, tumambad ang kanyang new look sa show nila ni Kuya Boy Abunda na gabi-gabi na lang tayong ginugulat ni Kris sa kanyang mga kuwento.

With her new short haircut sa kanyang IG, pasakalye niya na “friends” na lang sila ni Mayor Bistek. Umatras na si Mayor dahil hindi nga nito natagalan ang pamba-bash sa kanya lalo pa’t may pamilya siya na iniwanan in favor of Kris (na ngayon ay umiskiyerda patungong US noong Biyernes Santo si Tates Gana kasama ang dalawang anak nila na sina Athena at Harvey na magbabalik come June 1), na pinagpistahan ng publiko sa sari-saring opinion nila ng pagpapagupit ni Tetay at sa update sa “relasyon” nila ni Mayor Bistek.

Sa ganang akin, nawindang ang tahimik na buhay ni Mayor Herbert simula nang ma-link siya kay Kris. Oo nga’t naging hot topic siya at kahit sinong lalaki na ma-link, ma-involve kay Tetay, asahan mong magiging hot item (na one reason kung bakit siguro takot din ang mga lalaki na gusto siya ligawan dahil maiiskandalo ang buhay nila once mapabalita sila at madikit ang pangalan kay Kris).

Martes, sa taping ng Kris TV sa Intramuros, nahilo si Tetay sa sobrang init ng panahon. Itinakbo siya sa hospital na bago bigyan ng suwero ay tinanong pa ng doctor kung “buntis” siya as a precaution bago siya turukan at baka nga maging masama sa kanyang kalagayan kung sakali. Siya mismo ang nag-kuwento sa show nila ni Kuya Boy tungkol sa “buntis” issue na tama nga lang naman para alam ng doctor kung ano ang dapat niyang gawin.

Kinagabihan pagkatapos niyang ikuwento ang kanyang pagkahilo during her taping, paguwi niya sa kanyang haybols, nadatnan na lang niya ang kahon-kahon na energy drink na padala ni HB ( as in Herbert Bautista) with a caption sa picture na: “Thank You HB! (Sorry I broke my rule about not mentioning him in my IG account.”

Say ni Tetay sa update niya  tungkol sa kanila ni Mayor: “We’re not a ‘couple’ but we are the BEST OF FRIENDS. And in this uncertain world, we’re sure to be FRIENDS FOR LIFE. That’s actually what we started as, it’s where we are most comfortable being, and for whatever tomorrow may still bring, true & lasting friendship is always the best foundation… May I quote my favorite song? Thanks to you for teaching me how to live, putting things in perspective. Teaching me how to give, and how to take, no mistake…’ I grew up a lot this 2014 & he had a big role in what I am today.”

Sabi naman ng isang malapit na kakilala ni Daniel Matsunaga (onced linked kay Kris): “Mabuti na lang at nailihis ang kuwento at na-focus na kay Mayor. Kawawa naman kasi yong binata at napagbibintangan na user.”

Ewan ko kung ano ang kabuntot ng mga pasabog ni Tetay na ikagugulantang ng media at ng netizens.

Basta ako, bilib kay Kris. Keri niyang i-shuffle ang kaliwa’t kanang mga kuwento, kembot at arya ng kanyang buhay with ease na ang mata ng publiko ay hindi  siya pakakawalan at pagsasawaan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

9 thoughts on “Bistek, umatras na kay Kris Aquino

  1. Sa totoo lang at sa opinion ko lang, hindi naman talaga sila bagay ni Bistek, daming mga baggage kung sila na, dahil may mga anak si Kris, may mga anak rin si Bistek, yon ang palaging pag-awayan , yong mga problem sa mga extended family.

  2. Hoy writer complain kayo sa mga antics ni Tetay pero aminin, dun kayo kumita sa kabuhayan niyo dahil kay Tetay kasi pag ang sinulat nyo ay boring na personality, langawin yong column nyo. Sa showbiz, pera pera lang, ikaw writer nagkapera kayo dahil sa mga artista at ang mga artista naman ay nagkapera dahil sa mga writer, kaya, anong reneklamo mo sa attitude ni Tetay. E kung di mo gusto yong pinaikot kayo ni Tetay , e di huwag nyo siyang isulat, pero magugutom naman kayo.

    • kita mo talaga ang may bahid na matandang Nestor na ito hahahah matapos mag komento sa article ng writer na ito sasabayan ng isa pang komento patama naman sa writer hahahah Ungasss talaga ang matandang ito hahahah,,,,eh halata namang adik adik sa mga Tabloid tsismis ang All Around Helper na ito sa ibang bansa daw? ang hilig pa sa showbiz tsismis hoy tanda ikaw kaya ang huwag magbabasa ng mga tsismis dito hahahaha

      • E ikaw bakit ka rin palagi nandito, hindi ka rin ba addict sa chizmiz? think with your brain and not with your dick, torpe. Sabihin sa ibang tao pero siya naman ang number one scoopetera rito. Hoy, bago mo pagsabihan ang ibang tao, tingnan mo muna ang sarili mo hoy. anong ginawa mo rito, hindi nag tsismiz? Hahahahahaaha, torpe talaga ang kumag na ito, FANTARD!!!!!!! O ayan hinay hinay sa mga comment mo para hindi yan mabalik ng mabilisan sa yo.

      • Wala ka talagang comprehension, ilang beses ko na bang sabihin sa yo na ang mises ko ang all around helper at ako ang family driver, hindi ako all around helper. Kailan mo ba yan maintindihan KriSTD? Proud ako sa pagiging driver ko hoy, maski maliit ang suweldo pero dollar naman. Ikaw a can of sardenas per scoop lang. Sino naman ang mas kawawa…… Ikaw palaging sinigawan kung hindi mo sinisiraan ang mga artista. Kami dito ni respeto ng mga amo naming. Kawawa ka talaga. I can just imagine na sinigawan ka na KRISTD, you are not doing your fu_ _ _ _ g job, go and make more comments or you will be hungry, ahahahahahahahahahahaha… :-(

      • nyahahahahah hmmp baka mali ka..he he medyo medyo lang naman,,na ako ang nag uutos pa minsan minsan hahahah may longkatutz kami at family Driver sa Bahay namin hahahaha….Middle class naman kasi ang pamilya namin hahahaa….may mga negosyo naman kaming magkakapatid….minama namin sa Erpats namin hahahah kaya hindi ko kailangan magpakalipin he he

      • In your dreams KrisTD, maski middle class hoy, hindi ganyan ka low class mag comment dito at ang mga middle class ay hindi nagbababad dito hoy, sino ang inuuto mo ako? Hoy hindi ako bobo na mapaniwala mo, ikaw pa? IN YOUR SWEET DREAMS KKRISTD, hahahahahahaha

      • nyahahaha binabalik ko lang ang mga istilo ninyong mga Kapaminta fantard debahh style ninyo yan sa pam ba bash ng mga kapuso talents hahahha hurt ka ba! ganyan talaga ang buhay tandang Nestor,,,kung ano ang ginagawa ninyo,,ibabalik din sa inyo hahahahha

      • Totoo, yan din ang binabalik namin sa yo dahil ikaw ang unang nangba bash dito, dini defend lang namin ang mga fans namin. Ikaw kasi ang nag umpisa, Kaya yon na naman, ibinalik ko na ulit yong mga sinasabi mo sa akin., hehehehee

Leave a Reply

Your email address will not be published.